31 - New Life

762 29 13
                                    

"Surprise! Welcome back!"

Nagulat siya nang ayun ang sumalubong sa kanya sa pagbukas niya ng pinto. Pero sa kabila ng pagkagulat niya, napangiti na lamang siya at natawa dahil ano ba ang bago ang pagbabalik niya?

"Akala mo naman kung ngayon lang ako nagbalik." Sabi niya na ikinatawa rin ng mga kaibigan niya.

"Ngayon lang naman talaga!" Sagot pa ng isang kaibigan niya.



"Hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga 'to, Primo. Ba't ba ayaw mong sumabay sa pakulo namin? Kiligin ka naman kahit kunwari lang!" Sabi naman ni Bruce at natawa siya, natawa si Primo.

Pero sa kabila ng kagustuhan ni Primo na kontrahin ang mga kaibigan niya, pinili niya na lang maging masaya. Ang daming rason para maging masaya at ang pinakauna ay nakauwi siyang maayos ang kalagayan niya mula sa ibang bansa. Sa lugar kung saan ay doon niya sinimulan ang buhay at binuo ang mga pangarap niya.

Limang taon ang lumipas, napakaraming nagbago at dumating. Pagkatapos mangyari ang lahat, sino ang mag-aakalang lahat ng pait na nangyari ay magandang buhay na darating sa kanya?

"So kumusta ang Italy?" Pagtanong ni Eugene sa kanya.

"Okay lang."

"Grabe, dude! Ang big time mo na ah! Kita ko 'yong mga pictures na pinagpo-post ni Jude, ang hanep ng mga niluluto ninyong pagkain! Pang-international talaga! Chef ka na talaga, Primo!"

"Walang hiya kayo! Ba't si Primo lang ang binibigyan niyo ng compliments?! Hoy, kasama rin ako! Balikbayan din ako! Chef din ako, hoy!" Reklamo naman ni Jude sa kabilang banda.

Isa na ngang tinaguriang mahusay na kusinero si Primo, at sa pagbabalik niya kung paano nga ba nag-umpisa ay hindi niya masasabing madali. Napakaraming pagsubok, napakaraming sakripisyo ang kanyang binitawan para rito, at ang isa na ipinasasalamat niya, mabuti na pinili niyang tiisin ang lahat ng paghihirap na mga ito para sa pangarap na matagal niya nang inaasam. At ngayon, tagumpay siya, nagtagumpay siya.

Binigyan siya ng pribilehiyo upang maituloy ang kanyang pag-aaral sa kanyang kurso sa ibang bansa. Noong una, nagdalawang-isip siya pero hindi rin nagtagal ay tinanggap niya na siya ring payo ng kanyang pamilya dahil alam ng mga ito na ito ang pangarap niya.

Hindi nga naging madali ang pag-aaral niya sa ibang bansa, sa Singapore, pero tinulungan siya ng kanyang mga Lolo upang kayanin niya. At naging isang rason din ang mga kaibigan niyang kapareho niya sa pagpupursugi ng kurso upang hindi siya mahirapan sa pananatili, si Jude at si Cassandra, at iba pang mga naging kakilala at naging kaibigan sa kanyang pag-aaral hanggang sa pagtatrabaho.

Naging malaking oportunidad nga para kay Primo ang pagkakataon na ito. Dahil pagkatapos niyang magtapos sa pag-aaral ay agad siyang kinuha ng kanyang guro at inirekomenda sa Italya upang doon magtrabaho dahil sa kanyang husay sa pagluluto. Hindi siya tumanggi, at kung may isang bagay man siyang natutunan, ayun ay ang hindi niya pagtanggi sa lahat ng bagay na dumarating sa kanya. At dahil dito, nahanap at nakamit niya ang hanggang ng pangarap na noon ay iniisip lamang niya. Naging reyalidad, naging katotoohanan, at ito ang reyalidad na hindi niya pinagsisihang piniling mangyari.

"Nauna ka kasing umuwi eh! Hahahaha!" Pagkantyaw ni Bruce kay Jude.

"So? At least parehong balikbayan! 'Di tulad ng mga iba riyan na porke't engineer na at may girlfriend, at 'yong isa naman, may asawa't anak na!"

"Lungkot nun, pre. Pinatunayan mong single ka pa rin hanggang ngayon."

Napailing-iling na lamang si Primo sa kakulitan ng mga kaibigan niya na walang kakupas-kupas kahit ilang taon na ang lumipas nang huling masaksihan niya ito. Ano na nga ba ang araw na iyon? Kasi sa totoo lang, nangulila siya sa eksenang ganito. Napangiti siya sa rason na iyon, at masaya siya dahil sa muling pagkakataon, naaalala niya na ang bagay na ito na kanyang kinaiinisan ay siya namang magiging dahilan ngayon para hilingin na bumalik sila sa mga edad na iyon.. Na sana ay bumalik nga siya sa panahon na iyon.

MagbalikWhere stories live. Discover now