48 - Caged

715 20 24
                                    

Primo

May anak kami. Nagkaanak kaming dalawa ni George.. Nagkaanak kami nang hindi ko alam.. Buntis siya sa panahong naaksidente siya nang hindi ko alam. At namatay ang anak namin nang hindi ko alam.. Nang hindi ko alam inalam.

Tangina. Tangina.. Hindi ko alam at kasalanan ko 'yon. Kasalanan ko pa rin 'yon. Sobrang laki ng kasalanan ko kay George. Walang katumbas, hindi mahihilom ng kahit anong paghingi ko ng tawad sa kanya 'yong ibinigay kong sakit sa kanya. Hindi lang 'yong pag-iwan ko sa kanya 'yong dahilan kung bakit ko siya labis na nasaktan, kundi ito, itong pagkawala ng anak namin.

Hindi ko siya masisi kung bakit sobra ang galit niya sa akin. Hindi ko pa rin siya masisisi kung nararamdaman pa rin niya ang sobrang galit na 'yon sa akin. Tanggap ko, tatanggapin ko pa rin. Dahil maski ang sarili ko, hindi ko na rin ata mapapatawad.

Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon. Simula noong maaksidente siya hanggang sa magkita kami ulit dito mismo sa Tagaytay. Lalo na 'yon. Na hindi ko man lang naisip, binalewala ko 'yong sakit na alam kong mararamdaman niya dahil sa pag-iwan ko sa kanya, sa mga sinabi kong masasakit na salita sa kanya, na sa kabila ng lahat ng iyon, 'yong katotohanan na namatay 'yong anak namin sa sinapupunan niya.

Ako na sana ngayon 'yong pinakamasayang lalaki sa buong mundo. 'Yung pinakamasayang ama na nabubuhay ngayon. Pero hinayaan ko rin 'yon mawala katulad ng pagkawala ni George sa buhay ko..

Tulog na si George na nandito sa tabi ko, pero ako, pinipigilan ko ang paglakas ng hikbi ko dahil sa nagawa ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at halikan hanggang sa maiparamdam ko sa kanya 'yong paghingi ko sa kanya ng tawad na kahit hindi niya na ako magawang patawarin, ayos lang..

Umaga, maaga akong nagising. Tulog pa siya, hindi ko siya inistorbo. Pero bago ako tuluyang bumangon, tinitigan ko pa siya habang natutulog. Bagay na matagal ko nang hindi nagawa at bagay na matagal ko nang gustong gawin sa kanya. Sa muling pagkakataon.

Magkatabi nga pala kami ni George ngayon dito sa kama. Hindi na rin ako nakalipat pagkatapos ng pag-iiyakan naming dalawa simula noong aminin niya sa akin ang tungkol sa isa pang bagay na may koneksyon sa aming dalawa. Niyakap ko siya habang nag-iiyakan kaming dalawa, hindi siya bumitiw sa akin hanggang sa tumahan siya. Tsaka ko na lang napansin, nakatulog na siya sa bisig ko, hindi na rin ako lumipat dahil.. gusto ko siyang tabihan.

Nakababa na ako at agad kong ginawa ay nagpunta sa kusina para maghanda ng almusal. Buti na lang at mukhang tulog pa si Tita kaya ako ang bahala rito.

Nagsaing ako ng kanin, at mga ulam na pang-almusal ay nagluto na rin ako. Daing at corned beef ang naisipan ko. Mamaya na lang ako babawi sa lunch bago kami umalis si George para bumalik na sa Maynila.

At habang nagluluto ako, hindi ko maiwasan ang mapaisip. Mapaisip na paano kung.. paano kung buhay ang anak namin ni George? Edi sana ay malaki na siya ngayon.. Sana ay nakakasama na namin siya ngayon.

Inggit na inggit ako ngayon sa kahit sinong amang nakakaramdam ng pagiging ama na 'yon. Sobra akong naiinggit dahil dapat isa na rin ako eh. Dapat ay ako na rin eh.. Kaso wala, hindi ibinigay sa akin.

Nalungkot ako sa naisip ko. At nagulat ako nang may sumulpot sa bandang likuran ko pagkaharap ko. Si George.

Ngumiti siya sa akin pero mukha pa rin siyang malungkot. "Good morning." Bati niya sa akin.

"Good morning, George." Bati ko naman pabalik at napatingin siya sa niluluto ko.

"Samahan na kita.." Sabi niya at hindi naman na ako tumanggi.

Tahimik lang kaming dalawa na gumagalaw dito sa kusina. Parang bumalik sa time na halatang may hidwaan sa pagitan namin. Pero ngayon? Mas nag-iba. Iba ang nararamdaman ko ngayon para sa aming dalawa.

MagbalikWhere stories live. Discover now