26 - The Accident

610 16 4
                                    

"Bye, mauuna na ako ah." Pagpaalam ni George sa kaibigan niyang si Chloe.

"Sure ka bang hindi ka sasabay sa akin? Pwede namang totohanin natin 'yang alibi mo kay Primo na sasabay ka sa akin eh.."

Natawa si George at umiling siya. "Hindi na nga kasi.. May dadaanan pa kasi ako eh. Doon sa bakeshop, 'yong pinahanda kong cake for us. Tsaka, huwag na. I'm okay, nag-text na ako ng grab. On his way na si Kuyang driver." Sagot pa ni George sa kaibigan at wala na ring nagawa kaibigan niya.

"Oh, sige, sige. Enjoy your night, happy anniversary ulit sa inyo!"

Tuluyan nang nagpaalam ang kaibigan niya at bago pa man ito tuluyang umalis ay humalik muna ito sa pisngi niya, bagay na kinagawian nilang magkaibigan sa isa't isa.

Ngayon, nandito si George sa waiting shed, may mga kasama siyang mga kapwa estudyante niya. Naghihintay, hindi naghihintay ng masasakyan, bagkus ay paghihintay sa pagtila ng ulan. Malakas pa rin ang ulan, parang hindi na humina simula nang umalis siya sa bahay at ngayong papauwi na siya. Pero hindi niya inalintana, ang alam lang niya sa araw na 'to, masaya siya, masaya siya dahil ngayon ang ikalimang taon na mgkasintahan nilang dalawa ni Primo.

Nagsimula na siyang mainip, hanggang sa maisip niya kung patitilain niya pa itong ulan ay baka hindi niya na madatnan ang nobyo niya sa kanilang tinutuluyan, at baka hindi niya na maipakita ang munting sorpresa na kanyang inihanda. Ang pagbili ng cake, na pagsaluhan man lang sana nila bago umalis si Primo upang magtrabaho.

Kaya't nilabas niya ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe para sa kanyang nobyo.

Mahal! Katatapos lang ng exams namin. Nakaalis ka na ba? Huwag ka munang aalis ah, hintayin mo muna akong umuwi. Marami akong kwento. Haha! See you later, pauwi na ako.

Kanyang sinabi at hindi nagtagal ay nag-reply agad ito. Napangiti siya dahil hindi siya kailanman nabigo ng lalaking ito na mag-reply nang ilang pang minuto, kundi segundo lamang. Nabisto niyang mukhang hihintayin pa siya nito bago magtrabaho.

Kusa nang gumalaw ang mga paa niya upang tumungo sa bakeshop na kanyang sinasabi sa kaibigan niya kung saan niya pinahanda ang cake para sa anibersaryo nila ni Primo. Kahit wala pa ring tigil ang ulan, siya na ang umunsad para makapunta na sa bakeshop. Naglakad na siya dahil wala namang isang kilometro layo ng kanyang pupuntahan mula sa kanyang eskwelahan. At ang sunod na lang na poproblemahin niya ay ang paghihintay sa taxi na kanina lang ay kausap niya.

Basa man ngunit wala siyang pakialam, nakarating siya sa bakeshop at aga na tinungo ang babaeng nasa counter na kanina lamang ay kausap niya. Kusang nangusap ang kanilang mga mata nang magtugma ang mga ito.

"Hi, Miss. Ito na po 'yong cake."

"Magkano po, Ma'am?"

"P590, Ms. Georgina."

Naglabas siya ng pera at kanyang ibinigay sa nagtitinda. Nagpasalamat siya at umalis na siya.

Hindi niya mapigilan ang ngumiti, pero nalungkot din siya dahil kinain ng trabaho ng nobyo niya at ng pag-aaral niya ang ngayong araw na dapat ay malayang nagsasaya silang dalawa. Pero bumalik ang ngiti niya dahil nangako silang dalawa sa isa't isa na kapag natapos ang lahat ay wala nang sagabal sa kanilang dalawa.

Lahat naman ng ginagawa nila ay para rin mismo sa kanilang dalawa, para sa hinaharap nila. Ang kailangan nila ay pagtitiis at pagsasakripisyo.

"After this week, babawi kami.. Babawi ako." Bulong ni George sa kanyang sarili habang naglalakad na patungong labas at kanyang muling binukas ang kanyang payong dahil sa ulan.

MagbalikWhere stories live. Discover now