52 - Bittersweet

807 21 7
                                    

Primo

Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon, sabi ko. Sino ba ang makakalimot nun? Buong effort mo, ibinigay mo sa gabi na iyon. Itinodo mo na, pero napunta sa wala. Hindi, may nangyari naman pero parang umidlip lang ako saglit tapos pagbukas ko ng mga mata ko, boom, wala na.

Para akong naging tanga noong gabing iyon. Para akong tanga sa lahat ng oras na iginugol ko para roon. Hayaan ninyo akong magreklamo kahit minsan lang kasi ngayon ko lang talaga ginagawa ito ngayon. Hayaan ninyo munang isipin ko naman ang sarili ko, na maipangtanggol ko naman ngayon.

'Yung oras na hiniling ko sa kanya na manatili siya, pero hindi niya ginawa at umalis siya dahil kailangan siya ng asawa niya. Asawa laban sa akin na wala lang. Ano na nga ba ang laban ko?

Hindi pa rin maalis sa kukote ko.. Tangina, galit ako, oo. May karapatan naman ako, 'di ba? Pinaasa niya ako eh.. Pinaasa ako ni George.

Kapag malungkot at nasasaktan siya, ako ang tatakbuhan niya. Pero kapag ako naman ang nakakaramdam ng sakit, 'di niya magawang hindi ako iwan. Naiintindihan ko 'yong kailangan siya ng kanyang asawa pero paano naman ako na kailangan ko rin siya?

Ayan ang klase ng pag-iisip na mayroon ako pero nagbago nang malaman kong may sakit si Sir Miguel. May sakit siya sa puso.

Ilang araw bago ko nalaman, kay Jude ko naman, siya ang nagsabi sa akin. Sinabi niya sa akin na may sakit si Sir Miguel kaya hindi na nagpapakita sa hotel. Una kong inakala, wala, isang simpleng sakit lang at sinabi ko pang ano ang pake ko kung may sakit siya.. Pero hindi lang basta sakit na akala kong lagnat, trangakso, ubo o sipon.

Sakit sa puso, at una kong naisip, naging makasarili ako sa gabing ipinagpilitan ko pa ang sarili ko kay George. Kailangan pala siya ni Sir Miguel nun, mas kailangan pa siya kaysa sa pangangailangan na nararamdaman ko.

Bakit 'di niya sinabi sa akin? Bakit hindi niya na lang sinabi sa akin sa gabing iyon na kailangan niyang umuwi dahil sa may sakit si Sir Miguel. Pero 'di ko naman karapatan iyon eh.. At hindi na importante kung sisisihin ko pa siya.

Inakala ko na ako 'yong kawawa, pero all this time, hindi pala.. Mas kailangan nga siya ni Sir Miguel, higit pa sa pangangailangan ko.

Nag-ring ang phone ko kaya napatigil ako sa pagsusuot ng sapatos para abutin ito. Sinagot ko.

"Pre, nasaan ka na?

Si Jude.

"Bahay pa."

"Pupunta ka ba talaga?"

Nagtanong pa 'to, mukhang hindi sigurado. Ano bang akala nito? Haha.

"Oo nga kasi." Sagot ko. "Paalis na rin ako."

Ibinaba ko na ang tawag, para makaalis na ako. Sumakay na ako sa motorsiklo ko, papunta sa sementeryo.. Sa sementeryo kung saan ililibing si Sir Miguel.

Araw ng libing ngayon ni Sir Miguel. Isa lang ang ibig sabihin, wala na siya..

Tangina, nagulat ako. Nagulat ako noong nalaman kong may sakit siya sa puso, pero mas nagulat ako nang ilang araw ang lumipas pagkatapos kong malaman, nawala na siya. Namatay na siya dahil sa sakit niyang iyon.

Plastik mang isipin ngayon pero totoong nalulungkot ako sa pagkawala niya. Totoong nalulungkot ako sa nangyari. Naging mabuti siya sa akin, hindi ko 'yon maitatanggi. At sa kabila lahat ng nangyari, ayun ang nangingibabaw sa akin. 'Yung kabutihan niya.

Nakarating ako sa sementeryo, hindi naman mahirap para hanapin sila sa kung saang lupalop ng memorial park na ito sila naroroon. Kita ko na sila ngayon, mga taong nagkukumpulan, nakaputing damit silang lahat katulad ko, at malayo man ako sa kinaroroonan nila, kita ko ang bawat lungkot sa mukha ng lahat nang nandidito ngayon.

MagbalikWhere stories live. Discover now