25 - The Anniversary

668 17 9
                                    

Primo

Pagmulat ko pa lang ng nga mata ko, nabigla ako nang halikan ako ni George bigla sa mga labi ko. Pero hindi ako umayaw, parang mas mabilis pa ang paggalaw at pagsabay ng mga labi ko para halikan din siya kaysa sa pag-iisip ko kung ano ang mayroon at mukhang hinintay niya akong magising.

"Happy anniversary, my love." Sambit niya nang magbitaw ang mga labi naming dalawa.

Lumapit ulit ako para halikan siya. Lampake kung wala pang toothbrush, basta gusto naming nagki-kiss kami ngayon.

Napangiti ako dahil oo nga pala, ano nga pala ang mayroon sa araw na 'to? Ito na, anniversary nga namin. 'Yung araw kung kailan niya ako sinagot. Ito, limang taon na nga pala kami. Five years and counting, at sobrang sarap sa feeling na nagtatagal kami nang ganito, na wala pa ring nagbago simula noong ligawan ko siya hanggang ngayong limang taon na kami.

Oy, ang aga niya nagising. Sayang, ako sana ang sasalubong sa kanya eh. Pero mukhang hindi ko nakayanan dahil sa gig kagabi. Alam niyo 'yon, alas dos na nang madaling araw na ako nakarating at kung tutuusin, anniversary na namin 'yon, 'no. Pero dahil sa pagod, 'di ko na siya nabati dahil mahimbing na rin ang tulog niya. Tanging paghalik na lang sa noo niya ang nagawa ko bago siya yakapin at matulog na rin.

Pero ngayon, ngayon ang espesyal na araw namin ngayon. Pero ayun nga, paano ba 'yon? Exam niya ngayon at dumagdag pa 'tong sama ng panahon. In short, hindi kami makakabalik sa lugar kung saan ko siya dinala noong nagkaayos kaming dalawa.

Wala eh, 'di nakisama ang panahon ngayon. Exam week niya at paulan-ulan, may bagyo pa nga eh pero mahina lang. Kaya no choice, papasok siya ngayong araw, ngayong araw ng anniversary namin.

Pero kahit ano pa ang lagay ng panahon ngayon, kahit busy pa siya, walang makakapigil sa amin mag-celebrate. Ilang araw ko na itong pinaplano, itong dito na lang kami sa bahay magse-celebrate. Ipagluluto ko siya at dito kami mismo magde-date. Ang romantic pa nun. Ipina-cancel ko ang gig namin para magawa ko 'yon. Syempre, 'di pwedeng ipagpa-ibang araw ko na lang itong anniversary namin. Araw namin ito eh.

Pero sayang talaga 'yong sa gubat, 'di bale, sa susunod na lang. Marami pa namang next time.

"'Di ka makapasok dito, bahala ka riyan." Sabi ko nang maghiwalay ulit ang mga labi namin sa isa't isa.

Natawa siya nang mahina at sinapo ang pisngi ko. "Mamayang gabi na lang." Sagot niya at natawa naman ako.

"Ikaw ah, adik ka na rin sa'kin." Pagbiro ko pa sa kanya at niyakap niya na lang ako.

Ilang minuto pang nilubos namin ang natitirang minuto niya sa pagyakap ng isa't isa hanggang sa tumayo na siya at nagpaalam nang maliligo na't maghahanda para makapasok na sa school.

Bakit kasi 'di pa i-suspend ni Mayor ang pasok dito ngayon sa Maynila? Sana i-suspend na. Kung tropa ko lang si Mayor, ipapa-suspend ko. Hindi dahil sa bagyo, kundi anniversary namin ni George ngayon. Haha!

Pagkatapos kong ayusin ang kama, nagpunta na agad ako sa kusina para ipagluto siya ng almusal. May kanin pa naman na tira kagabi kaya isasangag ko na lang, at ang ulam, scrambled egg na may white onions at tuyo. As usual, tuyo, ang pambansang almusal.

"Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan.." Pagkanta ko sa kanta na bigla ko na lang naisip bigla. Ay hindi, ayun pala 'yong isa sa mga kinanta namin kagabi sa gig. Kay Tagal Kitang Hinintay by Spongecola.

Dumako ang tingin ko nang mapansin kong tinabihan niya ako. Ito, inis na inis dahil sa uniform niyang kinaiiritahan siya.

"Nakakainis! Ba't kasi no uniform, no exam? Ang sikip ng uniform ko, I'm not comfortable with it. At walang patawad kahit umuulan ngayon." Reklamo niya at natawa na lang ako.

MagbalikWhere stories live. Discover now