19 - A Trap

590 21 3
                                    

Georgina

"Let's go?"

Tumango ako kahit ang totoo, gusto ko ulit tumanggi pero tumango lang din si Mommy sa akin, at halata na napipilitan din siya tulad ko.

Inayos ko ang sarili ko at sumama na rin kay Daddy, sumakay kami sa kotse niya, magkatabi kami rito sa back seat pero sa labas lang ako nakadungaw hanggang sa umandar na 'yong sasakyan.

I manage myself to keep calm at isipin na masanay na lang ako dahil madalas namang nangyayari ang ganitong ganap sa buhay ko. Ano pa nga ba? Ito, itong pagsasama sa akin ni Daddy sa bawat event na pinupuntahan niya, and what? Ano pa nga ba ang ini-expect kung mangyari sa pagsama niya sa akin? Ipapakilala niya ako sa kung sino-sinong lalaki na anak ng mga taong tulad niya.

Wala na naman akong nagawa. Kaninang umaga lang sinabi ni Daddy sa akin itong pagsama ko sa kanya ngayong gabi. Tumanggi ako, sinabi kong marami akong gagawin na schoolworks, pero kahit gawin ko pang excuse 'tong pag-aaral ko, kailan ko ba siya natanggihan? Kailan nga ba ako pinayagan ni Daddy sa gusto ko?

I wasn't surprised nang nagsidatingan ang makeup stylists ko kanina na dala-dala 'yong isusuot ko. A gown, I'm with my black gown filled with diamonds. Backless siya.

Sinabi ko kay Primo 'to, of course, I should. Tinanong ko siya kung baka pupunta rin siya sa event na pupuntahan namin kahit wala akong ka-ide-idea sa pupuntahan namin ni Daddy, pero sabi niya, wala siyang raket na iba ngayong gabi except sa gig nila.

Naalala ko kasi 'yong one time na na-timing na same event 'yong trabaho niya sa pagpunta namin ni Daddy. I think that was Dave's birthday. 'Yung panahong nagkagulo, paano ko 'yon makakalimutan?

Loveyyy 💙

Hayyy. Send ka pictures mo para makampante ako, Mahal.

Nag-take naman ako ng selfie nang patago para 'di mahalata ni Daddy. Wala, nahihiya kasi ako.

Sinent ko lahat kay Primo 'yong pictures ko sa kanya sa Messenger at puro react ang natatanggap ko.

Loveyyy 💙

Sobrang ganda naman ng asawa ko. Parang gusto ko nang bigyan ng labindalawang mga anak.

Natawa ako sa sunod na sinabi niya at napatingin sa akin si Daddy kaya napatigil ako. Nagba-bye na rin ako kay Primo at mamaya na lang ulit, sabi ko. Tumingin ako kay Daddy at nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.

"You look more beautiful when you smile." Sabi niya at ngumiti lang din ako. "Sana ganyan pa rin hanggang sa makarating tayo sa venue, anak."

Tumango ako. Oo naman, pwede. Basta ba walang magiging dahilan ng inis ko. At sana hindi ako ma-bored. Pero uunahan ko na ang sarili ko, mabo-bored ako for sure.

Nakarating kami sa venue, a hotel. I think dito gaganapin kung ano ang event ang mayroon ngayong gabi. Inalalayan ako ni Daddy sa pagbaba hanggang sa pag-akyat sa hotel hanggang sa makarating kami sa part kung saan gaganapin ang event. Pero sa totoo lang, ewan ko kung anong event 'to. Kung may kinalaman sa pagiging senator ni Daddy or kung related sa company niya.

"Oh, amigo! Elizalde!" Pagsalubong sa amin ni.. Sino na nga ba 'to? Nakalimutan ko na ang pangalan, pero kapwa senador ito ni Daddy. At Daddy 'to ni Dave. Oh, I know, baka nga related sa pagiging senator ni Daddy ang event na 'to.

"I'm with my daughter." Rinig kong sabi ni Daddy kaya itinigil ko ang paggagala ko sa paligid.

"Of course, Georgina." Bumeso kami ni Tito sa isa't isa.

MagbalikWhere stories live. Discover now