3 - The Dinner

1.2K 26 3
                                    

Primo

"Pre, good luck. Sana buhay ka pa bukas kapag gig." Sabi ni Gin kaya medyo natawa ako.

"Gago, bakit? Dinner lang naman eh." Sagot ko.

"Sus, alam ko naman na kabado ka. Tatay niya makakaharap mo, 'tol. Alam mo naman 'yong si Senator, sa tuwing napapanood ko nga sa balita, high blood, personal pa kaya?"

Ito na nga, mamaya na ang dinner na magaganap. Dinner ng pamilya ni George na kung saan ay kasama ako. Imagine mo, par, kasama ako! At kasama si Senator.

Tama nga sinasabi nitong unggoy na kausap ko, video call. Baka hindi na ako makapag-gig bukas. Baka hindi na ako makauwi nang buhay mamaya. Pero hindi rin.. Paano ba ako uuwi mamayang gabi kung kay George naman pala ako matutulog, 'di ba? Baka nga, hindi na ako umuwi. Siya kaya tahanan ko. Boom.

But kidding aside, ano na nga?

Wow! Kidding aside! English 'yon!

"Sus, ano naman ngayon kung kasama si Senator?" Tanong ko.

Alam niya rin kasi na ito 'yong unang beses na makakasama ko ang tatay ni George sa isang dinner. Actually, pati sina Jude at Bruce, alam nila. At katulad ng kausap ko, puro pampakaba pa lalo ang sinasabi nila. Kesyo palayasin ako at maimbyerna sa'kin lalo. Na-appreciate ko naman mga motivation sa'kin ng mga 'to.

"Syempre, kailangan kong masanay. Kasi in the future, mangyayari ulit nang mangyayari ang pa-dinner kasama siya. Malamang, magiging asawa ko na anak niya eh. And that time, may mga anak na kami, so dadalaw kami sa kanila." Pampa-motivate ko sa sarili ko. Ayan, self-motivation talaga, mga pre eh. Mga bwisit kasi 'tong mga 'to.

"Ang advance naman! Ayan, ganyan dapat, pre! Hindi halatang may planong paagahin, eh ano? Tignan ko nga kung 'di ka palayasin ng tatay niya."

Anong maaga? Actually, late na nga eh! Idol ko nga na si Stephen Curry, 23 kinasal. Eh, ako? Malapit nang mag-23 ang pogi na 'to. Kung pwede lang sana eh.. Eh, kaso mukhang hindi pa rin siya ready, ganoon din naman ako.

Kailangan ko pang magtrabaho, kailangan ko pang mag-ipon. At higit sa lahat, kailangan ko pang patunayan ang sarili ko sa tatay niya. Kaya ito 'yon, kahit gaano ako kabado, susulong ako. Kahit ano pang lait at husga ang muling matanggap ko.

"Mag-feeling mayaman ka kasi, sayang! Dapat hiniram mo 'yong auto ni Bruce at tuxedo niyang magara. Malay mo, biglang ma-wow sa'yo si Senator." Sabi pa ni Gin.

"Ayan, ayan ang hinding-hindi ko gagawin. Pretending someone that I'm not."

"Tangina! Nosebleed! Kung ako si Senator, baka ako mismo ang magkasal sa inyo ni George!"

Siguro, hindi.. Hindi pala siguro. Alam ko naman na sa lahat nang naging manliligaw, nagkakagusto at inirereto ng Tatay ni George sa kanya, ako 'yong kakaiba. Sila kasi, mayroon ang lahat. At ako 'yong taong wala ng kahit ano'ng mayro'n sila. Alam niyo 'yon?

Pero mapapaisip ka, bakit sa dinami-dami, ako ang napili niya? Ako ang nagustuhan niya? Ako ang minahal niya?

Alam niyo, may isang beses na natanong ko 'yan sa kanya. I think noong isang taon namin, at alam niyo ba kung ano ang sagot niya? Hindi niya alam.

Hindi niya alam, pero nararamdaman niya na ako ang kaisa-isang lalaking nagmamahal sa kanya nang sobra at walang katulad. Sa akin niya raw nararamdaman 'yong pakiramdam na wala na siyang hahanapin pa. At ako naman, sa kanya ko nakikita ang future ko.

"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, dapat nagpapakatotoo tayo, Primo. Alam mo na, may mga tao kasing kahit majority ay alam na mabuting tao ka, pero paano kung 'yong isang taong pinapaniwala mo ay ayaw ang pagiging mabuti mo?"

MagbalikWhere stories live. Discover now