47 - Patawad, Paalam

780 23 8
                                    

"Hanggang ngayon, wala pa ring balita kay George. Pero sabi ni Gin, tumigil na rin si Sir Miguel sa pangungulit sa kanila para tanungin kung alam nila kung nasaan si George." Bulong ng kaibigan ni Primo na si Jude nang makalapit ito sa kanya.

Napatigil si Primo at napatingin dito. Hindi na siya nagsalita, ano ba ang dapat niyang isagot?

Kumunot ang noo ng kanyang kaibigan nang hindi man lang siya nakakuha ng kahit anong reaksyon. "Oh, wala man lang violent reaction, pre? Kaunti na lang, sabihin kong wala kang pakialam kay George."

Gustong tawanan ni Primo ang kaibigan niyang ito. Gusto niyang sumagot ng ano ba ang gusto nitong reaksyon na makuha sa kanya? Pero napailing siya dahil ano ang sinasabi ni Jude na wala siyang pakialam kay George kung sa bawat araw at gabi ay inaalagaan niya ito at pinagsisilbihan? Doon mismo sa tinutuluyan niya kung saan nakatira pansamantala ang babaeng hinahanap nito?

Ilang araw na nga ang lumipas nang magulat si Primo na makita si George sa kanyang tinutuluyan at ngayon, hindi niya na mabilang kung pang-ilang araw na ito. Na kasama niya si George. At hinihiling niya na sana ay magtagal pa.

Hindi niya maikaila na nagkaroon nga ng kulay ang bahay na tinitirahan niya. Na bawat paggising niya sa umaga, ito ang bubungad sa kanya, at nagiging dahilan ng bawat ngiti niya. At bago siya matulog, hindi alam ni George, bago niya tunguhin ang kanyang kama upang matulog ay hinihintay niyang mauna munang matulog si George at sinasamantala niyang tignan ito, na pagmasdan ito habang natutulog.

Kinukumutan, sinusuri ang kalagayan, at kung ano-ano pang pag-aalaga ay kanyang ginagawa.

Sana nga ay magtagal pa. Ayan ang kanyang hiling. Sana nga..

"Alam mo, ayaw kong makialam sa issue nilang.. mag-asawa, okay? Kaya ako nananahimik." Sabi na lamang ni Primo at sa wakas ay nakahanap siya ng rason. Upang may palusot siya. Kahit ang totoo ay may pakialam siya.

Na nangialam na nga siya.

"Sabagay, maayos din 'yan. At least, hindi ka madadamay. Katulad noong ginawa sa'yo ni Senator dati."

Napaiwas na lamang ng tingin si Primo at nagpatuloy na lamang siya sa pagpupunas ng mga plato.

Alas 9 pasado na rin, unti-unti na ring humuhupa ang mga parokyano sa restaurant. At mamaya-maya ay uuwi na siya.

"Pero mukhang seryoso talaga 'yong away nina George at ni Sir Miguel, 'no? Lumayas si George, kita mo 'yon?" Saad pa ng kaibigan ni Primo.

Pero sa tono nito, mukha namang hindi nag-aalala. Dahil alam naman ni Primo na walang dapat ipag-alala kung nasaan si George ngayon. At naaalala niya, narinig niya minsan na kausap ni George ang kaibigang si Chloe. Kinukumusta siya nito at sinabi ni George na huwag itong mag-alala dahil nasa mabuting kalagayan siya.

"Baka nga, seryoso.. Alam mo, napakatsismoso mo rin talaga, 'no?" Pangangantyaw na lamang ni Primo sa kaibigan at pareho silang natawa.

"Sus! Ikaw din naman diyan eh. If I know, kating-kati ka nang tanungin si George.. At makita, syempre." Sagot naman ng kaibigan sa kanya.

Napangisi siya dahil mali ang kaibigan niya ngayon. Paano ba niyang kailangan pang alamjn ang tungkol kay George kung kasama niya ito ngayon? Gusto niya itong isagot sa kaibigan nga dahil siya naman itong kating-kati na sabihin ito at makita ang reaksyon nito. Pero hindi, dahil baka may makarinig pang iba, makaalam at mas magkagulo pa.

Lalo na't nandito sila ngayon sa lugar na pagmamay-ari ng asawa ni George. At mahirap na't ramdam niya ang pag-init na ng mga mata ng kanyang amo. Si Miguel.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon