45 - Binalewala

837 29 20
                                    

Primo

Nang maisipan ko ulit gawin, tinignan ko ulit ang litrato na kanina ko pa tinititigan.

Nang maisipan ko ulit gawin, tinignan ko ulit ang litrato na kanina ko pa tinititigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wao, sexy naman ng crush mo riyan."

Agad kong tinaob ang phone ko nang sumulpot bigla si Jude sa likod ko. Pero wala na, nakita niya na eh. Ikakaila ko pa bang kanina ko pa tinititigan?

"Miss mo na?" Tanong pa ni Jude sa akin at ibinulsa ko na lang ulit ang phone ko.

Gusto kong sumagot kay Jude. Miss? Miss ko na siya? Tangina, hindi ko lang siya nami-miss eh. Kundi sobra, sobrang miss na miss ko na si George.

Ilang araw na siyang wala. Simula noong dumating si Sir Miguel, hindi ko na siya nakita, hindi na siya nagbalik dito sa restaurant. Nalaman ko na lang noong nakaraang araw na nasa bakasyon siya kasama si Sir Miguel. Na hindi ko alam kung saan pero kinakain ako ng sikmura ko sa sobrang selos.. Kahit wala naman ako sa lugar para magselos.

Naka-text ko siya, kay George ko mismo nalaman na nasa bakasyon siya kasama ang asawa niya, sa Batangas. Sinabi kong miss ko na siya, sinabi ko talaga at ang sagot niya, huwag muna ako magte-text at baka makahalata si Sir Miguel. Sinunod ko iyon, at ngayon, umaasa ako na siya ang unang magte-text sa akin kapag nakatyempo siya, kahit i-update man lang ako sa ginagawa nila o kung kailan sila uuwi. Pero wala pa rin hanggang ngayon.

Pang-ilang araw na ba ito? Parang limang araw na ata, at hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero sabik na sabik na akong makita siya eh. Pero wala eh, wala pa rin siya. Ang tagal naman ng bakasyon nila ni Sir Miguel, siguro, sobrang miss siya ni Sir. Pero paano ako?

Paano naman ako?

Ilang oras ang lumipas, nagulat na lang ako nang makita ko si Sir Miguel dito sa restaurant. At dito ako naging masigla agad, dahil nakabalik na pala sila ni George. Pero teka, ba't parang 'di niya kasama si George?

"Hi, guys."

Kunwaring napatingin ako sa nagsalita, si Sir Miguel, nandito na siya sa kitchen. At ito, kitang-kita ko sa lawak ng ngiti niya 'yong saya na nararamdaman niya. At alam kong dahil sa asawa niya kaya siya nakangiti nang malawak, dahil kay George.

"Primo." Tawag sa akin ni Sir kaya napatigil ako sa pagtitig sa kanya.

"Sir." Bati ko naman at ngumiti. Nang peke.

"Kumusta? What I mean, ang dami kong na-missed." Sabi niya at nilapitan ako.

Mukhang gusto niyang makakuha ng update sa akin. Gusto niyang makipagkwentuhan. Ano ba ang gusto niyang malaman? 'Yung nangyari rito sa restaurant habang wala siya, o 'yong nangyari sa amin nang asawa niya nang wala siyang alam?

"Primo, can I talk to you? For about 5 minutes I think." Sabi sa akin ni Sir at mukhang wala naman siyang problema dahil nakangiti siya sa akin.

Tumango ako at sumunod sa kanya, hanggang sa marating namin 'yong mala-balcony na parte nitong restaurant, at nag-usap kaming dalawa. Pero bago pa siya magsalita, parang gusto kong tanungin kung kasama ba niya si George. Kung nandito na rin ba siya o kung pupunta ba siya rito ngayon?

MagbalikWhere stories live. Discover now