15 - Unstoppable

739 21 0
                                    

Primo

Sarap ng tulog ko, parang ayaw ko nang bumangon. Pero unti-unti na akong nagising dahil sa labing humahalik sa panga ko. Napangiti ako dahil kilala ko naman kung sino ang gumagawa pero hindi ko pa binuksan ang mga mata ko para 'di niya itigil.

"Hey, wake up.. Alam kong gising ka na." Narinig kong sabi niya pero nagtulug-tulugan pa rin ako. "Isa.." Banta niya at medyo natawa siya, natawa rin ako sa isip ko.

Sinilip ko siya at nakatingin siya sa mga mata ko kaya wala akong takas. Nagpanggap pa akong inaantok pero inirapan niya ako. Sungit pa rin talaga.

"Hi, good morning." Bati ko at sinakop siya sa pamamagitan ng yakap. Sakop na sakop ko siya, ang liit niya eh.

Niyakap din niya ako, tinandayan pa, tsaka ko nalaman na nakadamit na pala siya, ako na lang 'tong hubad.

Huwag niyo nang tanungin kung bakit kami hubad, wala, naiinitan kasi kami eh. Kaya naghubad kaming dalawa, hubad na natulog at magkayakap. Ang halay, huwag niyo nang isipin.

Hindi na ako umuwi, sa totoo lang, binalak ko naman talaga bago ako makarating dito sa kanya. Na rito ako sa kanya, kasama siya, 'di ko siya iiwan. Dahil hindi sapat sa'kin 'yong makita ko lang siya, gusto ko siyang makasama at maiparamdam kung gaano ko siya kamahal. Na kahit ano pa ang mangyari, 'di ako magpapapigil para 'di ko maiparamdam sa kanya ang pagmamahal na 'yon.

Ano? Nang dahil sa ginawa ng tatay niya, titigil ako? Edi parang sinabi ko na ring wala talaga akong kwenta, na parang pinatunayan ko na rin na oo na, hindi para sa akin si George kaya suko na ako.

Hindi, hindi ako ganoon. Hindi ako magpapatalo.

"Papasok ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Saturday ngayon." Pagtawa niya.

"Ay, oo nga pala."

Tumayo na siya at nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. Nakasuot na siya ng damit, shirt ko 'yon, at sa ibaba, panty lang ang suot niya. Heto na naman ang manyakis kung makatingin sa kanya.

Nakita kong may kinuha siya sa aparador niya, at tsaka bumalik din naman dito sa tabi ko. Inabot niya sa'kin 'yong nakatuping damit at boxers.

"Ito na lang muna isuot mo." Sabi niya at kinuha ko naman.

Nagtataka lang ako kung bakit may mga ganito siya rito. Oo, posible na may damit akong naiwan dito pero mukhang bago kasi 'tong mga hawak ko ngayon.

"Mga bago 'yan.. Binili ko para kapag nandito ka, edi may isusuot ka." Sabi niya at napangisi ako.

"Talagang planado ah." Pang-asar ko sa kanya.

Pero 'di naman niya ako kailangan bilhan ng mga ganito eh. Ang ibig kong sabihin, hindi ko kailangan ng mga bagong gamit. Marami naman akong damit. Kung sinabi niya na lang na magdala ako eh. Gumastos pa.

Bigla naman akong nahiya dahil binilhan niya pa ako ng mga gamit.

"'Di ka na dapat bumili.." Sabi ko habang nagbibihis na.

"Eh, bakit? Gusto ko na may mga damit ka rito sa akin eh.. Para kapag wala ka rito, idadamit ko sa unan ko para yakapin ko at maamoy ko 'yong scent mo." Sabi niya at tinignan ko siya, nakaakap lang siya sa unan niya habang nakatingin sa akin.

"Sus, tsansing ka ah."

Iba rin 'to, 'no? Alam na rin kung paano magpakilig. Oo na, kinikilig ako. Ang bakla.

"May brief ka rin kaya rito.." Sabi niya at napatigil ako, feeling ko, namumula pa ako.

"Ano? George, ano ba?"

MagbalikWhere stories live. Discover now