7 - Another One

1K 24 2
                                    

Primo

Hayop na 'to, totoo nga 'yong sinasabi ni George, halata sa tingin ng gunggong na 'to sa kanya na nangungulit nga. Buti na lang talaga, tinuloy ko 'yong plano kong magpunta rito. Hindi ako nagkamali. Hindi ako nagsisisi.

Ayun nga, nagpunta ako rito sa kinaroroonan ni George nang biglaan. Alam niyo 'yon? Nagpapasalamat ako kay Jude dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko pa malalaman 'yong nais niyang iparating.

Eh, nakita ko lang naman 'yong picture na kung saan naka-tagged si George. 'Yung gunggong na bumastos sa kanya, ayun, kasama niya. Nakahawak sa beywang na parang nakaakap pa, at tangina, naka-two piece pa si George nun. Edi pinuntahan ko na agad.

Hapon na nang makarating ako dahil pinuntahan ko pa si Bruce para sabihing i-excuse muna sa gig at sabihin substitute niya muna ako sa pagkanta. Siya muna ang vocalist.

Tapos nag-usap pa kami saglit, nagtanong kung saan ako pupunta eh. Sabi ko, sa Batangas, at nakuha naman na niya 'yong rason ko kung bakit kailangan kong magpunta roon.

Pero bukod kay Bruce na siyang nakakaalam, ewan ko na lang kung alam na rin ng dalawa 'yong pagpunta ko rito, isa si Yohan. Si Yohan na pinagtanungan ko kung saan lupalop 'tong resort na kinaroroonan nila. Sinabi ko na huwag sabihin sa Ate niya at naki-cooperate naman siya. So the whole time na alam kong nag-aalburuto na si George dahil sa hindi pag-reply ko sa kanya, si Yohan ang ka-text ko.

Ngayon, nandito na ako. Nag-commute na ako. Tinuldukan ko na 'yong pangungulila ko sa kanya. Halata rin naman na nangungulila rin siya sa'kin, eh halikan ba naman ako nang halikan? Gustong-gusto ko naman.

Standby lang muna 'yong sermon ko sa kanya sa pagsusuot niya ng two piece, na-miss ko eh. Kaya sa mga lalaking kasama namin, hanggang tingin na lang sila. Pero actually ngayon, hindi naman na sila nakatingin kay George, kundi sa akin na. Lalo na 'yong Dave na 'yon.

Gabi na. Nandito kami ngayon sa buhanginan, dito sa tabing dagat. Nagbo-bonfire, nag-iinuman na rin, pero isa in-can beer lang iniinom ko ngayon. Si George naman, juice ang iniinom. Nanatili lang akong nakaakap kay George, bale nasa pagitan ko siya ng legs ko. Kahit kasama namin ang mga Tita niya, eh paano ba 'yon kung naging favorite agad ako ng mga Tita niya?

"Ikaw pala 'yong sinasabi ni George na boyfriend niya. Magalang at mabait." Sabi ng isang Tita niya. PS, naririnig ng lahat. Ang yabang ko naman.

Ngumiti lang ako at si George ang sumagot. "Yup, Tita. Super magalang kaya gustong-gusto siya ni Mommy. Hindi siya bastos eh, marunong rumespeto ng babae."

Ang yabang ko na talaga. Pakiramdam ko, daig ko pa maitanghal na senador ng bansa dahil sa sobrang yabang. PS ulit, naririnig ni Dave.

"Ang pogi naman! Ahm, Primo right?" Sabi ng pinsan niyang si Haley ata 'to kaya napatingin ako sa kanya. "Sabi ni Georgina, vocalist ka raw?"

"Vocalist sa grupo namin. Yes, sa gig-gig lang namin." Sagot ko at tumango siya.

"Lagi kang ipinagyayabang sa'min ni Georgina. Sabi niya, in the near future, magiging sikat ka na raw dahil ang galing-galing mo kumanta bukod sa magluto. Kahapon pa birthday ko pero sample naman!"

"Oo nga, hijo."

Bigla akong nahiya at nahiya nang nahiya! Tumingala sa'kin si George at parang nagsasabi ng go ang ngiti niya sa'kin.

Primo, nahiya ka pa. Eh, noong gig niyo lang kagabi, halos umiyak ka na habang kumakanta. Damang-dama.

Pinagbigyan ko na rin sila. Wala, kumanta lang ako ng pahapyaw ng Moon River. Nagpalakpakan silang lahat at puro puri. Kunwari naman, humble ako.

MagbalikWhere stories live. Discover now