36 - Balang Araw

649 22 25
                                    

Primo

Miguel Carbonel. Pagpindot ko ng pangalan niya sa Google ay walang lumabas na ibang tao kundi siya. Siya lamang.

Ang daming lumalabas na articles at website tungkol sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang daming lumalabas na articles at website tungkol sa kanya. Ang dami, sa dami, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Pero ang totoo, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba itong kahibangan ko. Pero wala eh, simula nang makilala ko ang lalaking ito bilang.. bilang asawa ni George, hindi na ako natahimik. Ewan, parang gusto kong kilalanin ang taong ito.

Puro tungkol sa kumpanya na hawak niya ang nababasa ko. Galing sa mayaman na angkan at sa murang edad pa lang ni Sir Miguel, siya na ang nagpapatakbo ng kumpanya nila, 'yong Hotel McBride.

Hindi na ako nagtaka dahil naalala ko 'yong binabasa kong brochure noon sa Italy, kabilang ang Hotel McBride sa pinakasikat at pinaka-successful na hotel and restaurant sa mundo kahit sa Asia pa lang napatayo ang mga iba't ibang branches.

Nagawa kong basahin ang isang link kung saan ay kwento ng kanyang buhay. Laki sa ibang bansa pero purong Pilipino. Intelihenteng tao, madiskarte, lahat-lahat na yata ng magagandang adjectives ay nasabi na.

Tangina mo, Primo. Ano ba talaga ang sadya mo?

At sumunod, may iba rin akong nabuksan na link na tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya. Mga naka-date daw niya, naging girlfriends. Tinignan ko pa kung.. kung may asawa ba siya bago si George pero wala, puro rumors na engaged na raw si Sir Miguel sa isang babaeng kasosyo ng pamilya niya. At sabi, arranged marriage lang.

Hanggang sa mapunta ako sa isang site at dito.. dito napako ang tingin ko. Litrato nilang dalawa, magkasama sila, nakangiti sila at mukha silang masaya sa piling ng isa't isa..

 Litrato nilang dalawa, magkasama sila, nakangiti sila at mukha silang masaya sa piling ng isa't isa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa wakas.. Sa wakas at nahanap ko na rin 'yong rason kung bakit kailangan ko nang itigil itong ginagawa ko. Pero mali eh, hindi eh, dahil dito, mas naging interesado akong alamin ang tungkol dito. Ang tungkol sa kanilang dalawa.

Nakita ko. Hindi, nabasa ko pala.. Nabasa ko na totoo nga, mag-asawa silang dalawa. Pero ayun lang, ayun lang at wala nang iba bang sinabi. Gustuhin kong magtaka kung bakit wala nang iba pang detalye pero natawa ako sa katangahan ko, kailangan pa bang idetalye kung paano sila nagkakilala? Paano sila naging mag-asawa? Paano sila ikinasal? Saan? Tanggap ba ng mga magulang ni George si Sir Miguel?

MagbalikWhere stories live. Discover now