34 - The CEO

891 23 10
                                    

Nagising si George nang maramdaman niyang mag-isa na lamang siya sa kama. Unti-unti siyang umupo habang hawak-hawak niya ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan, hanggang sa mapagpasyahan niya nang bumangon, ayusin ang sarili bago magtungo sa ibaba.

Hindi pa man siya tuluyang nakakababa ay amoy niya na ang nakakagutom na amoy dahilan kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkulo ng tiyan. Natawa siya. Nang tuluyan siyang makababa ay bumungad sa kanya ang isang lakaking nakatalikod sa kanyang gawi at abala sa pagluluto. Lumapit siya upang yakapin ito sa likod.

"Morning, hon.." Bati niya rito.

"Ba't ka pa bumaba? Breakfast in bed sana tayong dalawa, lapit na rin itong maluto. By the way, good morning too, honey."

"Nagising kasi akong wala ka na sa tabi ko so bumangon na rin ako." Sagot ni George. "Gosh, hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa sarili ko.. I should be the one here who's preparing breakfast for you pero 'di ko pa rin magawa.."

Narinig niya ang pagtawa ng lalaking yakap-yakap niya hanggang sa harapin siya nito. "Ysabel.." Sambit lamang nito.

Asawa. May asawa na si George sa loob ng apat na taon. Sadyang kay bilis nga ng panahon para ilarawan ngayon ang buhay na mayroon si George ngayon. Kasal na siya, kasal na pala siya sa mga taon na ito.

Kasal na siya, may asawa na siya. At nakilala niya ang lalaking ito sa bansa kung saan ay doon muna siya tumira sa mga panahong nawala siya, New York. Nakilala niya ang lalaki dahil bukod sa Pilipino rin ito ay magkasosyo sa trabaho ang pamilya nito at pamilya niya.

Subalit hindi tulad noong mga panahong ipinipilit sa kanya ang mga lalaking kilala ng tatay niya, dahil ang lalaking ito, nakilala niya sa paraan na siya mismo ang kumilala hanggang sa mahulog ang loob niya. At kung babalikan niya, ito nga pala 'yong lalaking hindi nawala sa kanyang tabi noong kailangan niya nang makakasama. At ito ngayon ang lalaking nagpaparamdam sa kanya nang buong pagmamahal. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. Hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino..

Wala pang nakakaalam na kasal na si George maliban sa pamilya niya at pamilya ng asawa niya. Wala ni kahit sinong kaibigan o nakakakilala pa sa kanya. Pribado at sekreto nga ang nangyaring pag-iisang dibdib, at ngayon, hanggang ngayon ay naitatago pa rin niyang kasal na siya sa loob ng tatlong taon.

Hindi niya naman na dapat pang ipaalam dahil para sa kanya, ang importante ay masaya siya. Masaya siya sa buhay ngayon na tinatamasa niya. Masaya siya sa piling ng asawa niyang nilulunod siya nang buong pagmamahal at suporta sa lahat ng bagay..

Nagsimula silang kumain, at nagsimula rin ang kwentuhan nila. At pareho silang natawa nang sabay nilang maalala na hindi nila nagawang mag-usap kagabi dahil sa sobrang sabik nila sa isa't isa.

"Now, tell me, Ma'am. Paanong nandito ka?"

"What kind of question is that, Miggy? And please stop calling me Ma'am." Natawa si George pagkatapos na ikinatawa rin ng kanyang asawa.

"What I mean is.. kailan ka pa nandito? Sinundan mo ako, hon?"

Uminom muna si George ng tubig bago sumagot. "Two days before yesterday, dumating ako, pero kina Mommy ako dumiretso at nag-stay."

"Paanong hindi ko alam 'yon?"

"Because you are busy working and I told them na hindi muna sabihin sa'yo para ako mismo ang mag-surprise sa'yo."

Napangiti ang asawa ni George sa kanya. Hanggang sa kunin nito ang palad niya at halikan ito.

Tatlong araw na nga ang lumipas nang dumating si George dito sa bansa. At wala rin ang nakaalam ukol dito maliban sa kanyang pamilya. Hindi naman niya balak talagang magbalik dito sa Pinas kung dahil sa ilang buwan na pananatili ng kanyang asawa dahil sa trabaho na nandito sa bansa. At hindi niya kayang manatili sa New York nang hindi ito nakakasama. Kaya napagdesisyunan niya, at wala namang siyang pinagkakaabalahan, bakit hindi rin siya magbakasyon dito? Tutal, mukhang kailangan din niya ito.

MagbalikWhere stories live. Discover now