29 - It's Done

607 19 8
                                    

"Aalis na ako, Fran." Pagpaalam ng senador sa kanyang asawa.

Napatigil ang kanyang asawa upang lapitan siya at gawaran ng halik sa pisngi.

"Okay. Come home early."

"Ano?" Natatawang tanong ng senador.

"I'm planning to go out with you, Yohan and Georgina. Tayong apat, let's have dinner sa isang restaurant." Huminto ang asawa para mag-isip. "Para naman mailabas natin si Georgina. Hindi na kasi siya lumalabas eh. Kahit pati sa kwarto niya, hindi rin."

Napaisip ang senador, iniisip niya kung may posibilidad na makauwi siya nang maaga. Tumango siya sa naging tugon niya, at sumang-ayon sa gusto ng kanyang asawa.

"Okay."

Tuluyan na itong nagpaalam upang makaalis na't magawa na ang kanyang misyon sa araw na ito bilang senador ng bansa. Nakangiti lamang ang asawa nitong si Francheska habang pinagmamasdan ang asawa na lumalayo na sa kanyang paningin.

At nang mawala na ito, ibinaling niya nang muli ang kanyang atensyon sa ginagawa. Ngunit ang hindi niya alam, bago pa man tuluyang makalabas ang senador sa pamamahay ay nauna na si George. Muli, nauna nang nakalabas si George sa plano na naman nitong palihim na makaalis ng bahay dahil sa kanyang nais.

Agad na sumakay si George sa pinakalikod ng van na mayroon ang kanyang pamilya. At hindi nga siya minalas dahil walang kamalay-malay ang drayber sa kanyang ginawa o kahit sinoman sa plano niyang ito. Nang makapasok siya, agad siyang nagtago dahil kasunod naman nito sa pagpasok ay ang kanyang ama.

"Tara na." Katagang narinig niya sa kanyang ama.

Nakayuko, tagong-tago at malabo ngang may makakita kay George dito sa bandang likod ng van. Dahil bukod sa hindi kapansin-pansin ay walang nakakaalam ng pagtakas niya. Wala pang nakakaalam.

Bakit nga ba niya kinailangan umalis nang hindi nagpapaalam? Dahil hindi siya hahayaang makaalis ng bahay, ayun lang naman ang dahilan. Hindi siya pinapayagang umalis ng bahay dahil sa nais niyang gawin, at ayun ay ang sapilitang makipagkita kay Primo. Kung kaya't hindi man lingid sa kanyang kaalaman ay pinapabantay siya sa mga kasambahay at mga gwardya ng kanyang ama, na pati ang gwardya sa papasok sa village na kinaroroonan ng kanilang bahay ay pingsabihan din.

Hindi siya mapakali, kailan pa nga ba niya iyon nagawa? Simula nang magising siya, wala nang naging bukambibig niya kundi si Primo. Kung nasaan na ito, bakit hindi man lang dumalaw sa kanya, tumatawag, hindi man lang nagpakita.. At dumagdag pa sa narinig niya sa mga kaibigan ni Primo na umalis na ito na para bang isang bula, bigla na lang naglaho bigla.

Hindi siya mapakali, gusto niya ng mga kasagutan sa mga tanong niya. Gusto niya itong makita, at ngayon ang isa pang araw para magawa niya iyon. At ngayong nakatyempo siya, sana nga ay kanyang magawa.

At ang isa pang labis na bumabagabag sa kanyang isipan, ang nalaman niyang buntis siya noong panahong naaksidente siya. Na nagdadalang-tao siya pero nakunan din siya sa araw na iyon.

Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi niya maipapangakong hindi niya na maiisip. Una, paanong hindi alam ni Primo na hindi nito alam na buntis siya noong panahon naaksidente pa lamang siya ay nakunan na pala siya? Hindi niya alam. Hindi niya alam kung gumagawa ulit ng kwento ang kanyang ama, o ano, hindi niya alam.

Pero kung totoo ngang hindi alam ni Primo na nakunan siya, iniisip niya kung sasabihin niya nga ba. Ngayon din, ngayon din dahil ayun ang kanyang gagawin. Ang puntahan si Primo sa nag-iisa at natitirang lugar na alam niya at posibleng kinaroroonan nito.

MagbalikWhere stories live. Discover now