18 - Just Work

679 18 0
                                    

Georgina

"Hmm, kumusta naman na kayo ni Primo?"

"Doing great, maayos naman kami. Ba't mo naman natanong?" Sagot ko at tanong ko rin sa huli kay Chloe.

"Nothing, nothing.. Mabuti naman at bati na kayo."

Napatingin ako kay Chloe at medyo napatawa. "Chloe, parang 'di kayo nag-aaway ni Eugene ha."

Natawa rin siya. "Mabuti nga at hindi naman na masyado, 'no. You know, naaalala mo ba noon, halos weekly kaming nagbabangayan. Pero na-practice na rin namin, na-lessen na. At sana ganoon din kayo ni Primo, ha?"

Naalala ko ulit 'yong huling away namin ni Primo, yeah, that wasn't great. I mean, isa yata 'yon sa pinakamatindi dahil naglasing pa ako nun after. At ayun na lang ulit 'yong time na nakainom ako, na na-feel kong maging lasing. Pero hindi na mauulit.

Pero kumpara sa relationship ni Eugene at Chloe, ibang-iba sa amin. What I mean is ay iba sa way na kapag may hindi pagkakaintindihan. Kasi seriously, kapag nag-aaway silang dalawa, hindi malalaman at mahahalata ng bawat isa sa amin. Pero kami ni Primo, ang tindi, kasi mahahalata. Mahahalata sa actions namin, hindi kasi namin alam magpanggap ni Primo na okay lang ang lahat kaya malalaman at malalaman ng mga taong nakapaligid namin by that looking at us.

At 'yong nagiging pag-aaway namin, iba 'yong reason. 'Di ko sinasabing kakaiba kami sa lahat ng couples, and I don't intend to compare us to Eugene and Chloe's relationship, it's just that.. Si Primo, minsan talaga, hindi niya nako-control ang sarili niya. At madalas, ayun 'yong nagiging dahilan ng away namin.

Pero ang pinakamadalas na dahilan din ay si Daddy, si Daddy na ayaw sa kanya.

Hindi ko rin mapi-please si Daddy kung ayaw niyang gustuhin si Primo, pero actually, mas gusto ko na alam kong ayaw niya sa boyfriend ko, kaysa sa nagpapanggap siyang gusto niya si Primo. At least I am that aware about it, ready ako sa pwedeng mangyari.

At alam kong ayun 'yong mostly na reason kung bakit nag-iisip ng kung ano-ano si Primo. Pero sa totoo lang, wala na akong pakialam, basta mahal ko siya. At wala naman kaming ginagawang masama. At walang magagawa si Daddy sa gusto naming dalawa, sa gusto ko.

Pero now, everything's fine. Everything is normal. We're back to normal. Napag-usapan na namin ang lahat, naintindihan na naman. I hope 'di na maulit..

Naglalakad kami ngayon ni Chloe papuntang library para ibalik 'tong libro na hiniram niya. Sumasama lang naman ako, wala na rin akong klase eh. 5 PM na rin, pauwi na ako pagkatapos.

Nagpaalam na ako kay Chloe para magpunta na sa parking lot dahil nandoon na 'yong driver ko. Nagpalitan lang kami ng hugs and kisses at nagpunta na ako.

Sa byahe, I'm busy exchanging messages with my boyfriend. Puro update lang sa isa't isa. Ako, pauwi na, siya, he's preparing for their gig. Parang gusto kong manood ng gig nila pero pagod ako ngayon. At si Daddy, hindi siya out of town. Baka mapagalitan na naman ako at ipabantay ulit ako, ayaw ko.

Sayang, Saturday pa naman bukas. 'Di bale, marami pa namang next time.

Nakarating na kami sa bahay, pumasok at nagulat ako nang makita ko si Dave, this asshole na 'di ko makakalimutan!

"Oh, you're here."

Napatingin naman ako sa nagsalita, si Daddy. Lumapit ako sa kanya para bumeso at muling napatingin sa bisita niya na todo ang ngiti sa akin but I don't give a sht.

"Dave is here." Sabi ni Daddy.

"Yeah, ba't siya nandito?" Tanong ko, sorry but not sorry for sounding like a rude.

MagbalikWhere stories live. Discover now