43 - The Calling

724 31 9
                                    

Primo

"Mamayang gabi pa pala ang alis ninyo eh, ayaw ninyong pumasyal muna rito sa Cebu? Ganda kaya rito." Sabi ni Johnny sa kalagitnaan ng pag-aalmusal naming tatlo.

Napatingin ako kay George at nagpapatuloy lang siya sa paglalagay ng syrup niya sa pancake na kinakain niya. Ito, iniiwasan niya ulit ang tingin ko. Namumugto ang mga mata niya at alam kong dahil sa pag-iyak niya kagabi.

"Ikaw, Primo boy? Gusto mo bang pumasyal?" Tanong sa akin ng kaibigan ni George kaya sa kanya naman ako napatingin.

"Ayos lang." Sagot ko at para siyang kinilig. "Pero kung ayaw ni George, huwag na lang din."

Nakita kong napatigil si George dahil ata sa sinabi ko, o dahil sa itinawag ko sa kanya.

"What I mean is mas maganda sana kung tatlo tayo eh."

"Oo nga naman. Sayang naman kung hindi ka gagala rito sa Cebu, Ysabel!"

Mukhang taga-rito itong kaibigan ni George na ito. Halata naman dahil kanina pa siya kwento nang kwento tungkol sa mga lugar na pwedeng pasyalan dito sa Cebu.

Nagkatinginan kami ni George hanggang sa ngumiti ako, at hindi niya ako binawian. Sanay naman na ako at kung noon ay nalulungkot ako kapag hindi niya sinusuklian ang ngiti ko, ngayon, okay lang. Ayos lang sa akin dahil alam ko naman na..

Nang matapos kaming mag-almusal ay pumayag si George sa sinabi ni Johnny na gumala kami rito sa Cebu, at sabi niya, mga 1 o'clock ay paggagala namin. Kaya ito ako, katatapos kong maligo, at ngayon, inaayos ko na ang sarili ko. Pero hindi ko mapigilang ngumiti simula nang maalala ko 'yong nangyari kagabi.

Na kahit hindi ko man na-explain sa kanya, napaintindi, at napaniwala sa mga rason ko, ayos lang. Nasabi ko na ring mahal ko siya, na mahal ko pa rin siya at ganito pala sa pakiramdam. 'Yung para bang hindi ka na nababahala, wala ka nang nararamdaman na pighati, at hindi ka na nagsisinungaling sa sarili mong nararamdaman.

At ang isa pa, nahalikan ko siya. Hinalikan ko siya, at ewan ko, ewan ko ba kung kailangan ko bang pag-isipan kung magiging masaya ba ako ngayon o hindi dahil sa hinalikan ko siya. Pero noong matikman ko ulit ang mga labi niya, parang mas ginawa akong pursigido para ipaglaban itong nararamdaman ko sa kanya. Dahil wala man siyang sinabi pero naramdaman ko sa mga labi niya 'yong katiting ng pagmamahal niya para sa akin.

Naramdaman ko iyon..

Nang matapos ako, lumabas na ako. Lumapit ako sa pintong katabi ng akin kung nasaan nandoon si George. Nakangiti pa akong kakatok na sana pero parang ang bills ko naman ata.

Kaya hindi ko na itinuloy. Nandito lang ako sa gilid at hinihintay siyang lumabas. Mga 15 minutes ang lumipas, ito, lumabas na siya. Nakasalampak ako sa sahig kaya medyo nagulat siya nang makita niya ako ritong nakaupo.

Napatayo naman ako agad nang mapansin niya na ako. Nagkatinginan kami at umiwas siya ng tingin.

"Let's go." Sabi niya kaya sabay kaming naglakad sa kung saan man kami patutungo.

Sa elevator, kaming dalawa lang ang tao rito. Tahimik pa rin kaming dalawa, hindi na rin muna ako nagsasalita. Hanggang sa bumukas ang elevator dahil may sasakay, isang matanda. Mabagal siya maglakad kaya inalalayan ko siya patungong loob nitong elevator.

"Salamat, hijo. Salamat.." Sabi ng matanda sa akin.

"Wala ho 'yon. Saan po bang floor kayo, Lola?"

MagbalikWhere stories live. Discover now