39 - Her Intention

665 18 8
                                    

Primo

Wala pang alas 6 ng umaga ay maaga na akong bumangon. Ewan ko, pero alam ninyo 'yon? Para akong nae-excite na ewan. Nae-excite nang gumising ngayong araw, maghanda at magpunta na sa Hotel McBride para magtrabaho.

Ito kasi 'yong unang araw na wala si Sir Miguel dito sa bansa. Hindi, hindi ko pala alam kung nakaalis na ba siya pero ang alam ko lang, hindi ko na siya makikita ngayong araw na ito dahil ngayon ang alis niya patungong Vietnam.

Agad na akong nag-almusal, tinapay at kape lang. Tinatamad na ako magluto. Nakakatawa, chef ako pero tamad naman akong pagsilbihan at ipagluto ang sarili ko. Nang matapos ako ay agad na akong naligo, nagbihis pero hindi dahil dito ako natagalan. Pinag-iisipan ko ngayon kung hindi na lang ako mag-uniform. Pero tanga ka, Primo, ano ka? Batas?

Pero tulad ng kinagawian ko, tanging black pants muna ang suot ko at puting t-shirt dahil magmamaneho pa ako ng motorsiklo patungo roon sa restaurant. Doon na kasi ako nagbibihis, para 'di naman agad na pawisan ako, 'no.

Nakarating ako sa hotel, eksaktong 8:30. May mga tao na rito sa gawing restaurant nitong hotel. Binabati ako ng mga waiters na kakilala't nakakasalubong ko at binabati ko naman sila pabalik.

"Chef, ang aga mo naman!" Sabi ni Charlie sa akin at ngumiti ako.

"Alam mo na." Sabi ko na lang kahit hindi ko rin alam ang sinabi ko. LOL.

Pero bigla akong na-disappoint, at na-realize ko, ang aga ko nga pero wala pa naman 'yong dahilan kung bakit ako excited. Bigla ko rin naisip, pupunta ba siya rito ngayon? Pupunta ba si George dito para bantayan kami, bisitahin, sitahin?

O kaya.. O kaya kasama niya si Sir Miguel ngayon? Hinatid niya sa airport? O kaya naman.. hindi siya papasok ngayon dahil.. dahil ngayon na wala ang asawa niya, malamang ay hindi niya gugustuhin na magpunta rito dahil sino ba ang nandito? Ako. Ako 'yong nandito.

Pero bigla ko ulit naisip 'yong kagabi. 'Yung pag-uusap namin ni Sir Miguel. 'Yung pag-offer niya sa akin na gagawing official 'yong mga dishes ko, at 'yong favor niya sa akin na ako muna ang bahala kay George.

Sa totoo lang, 'di ko alam. 'Di ko alam kung iisipin ko ba ngayon na parang alam na ni Sir Miguel na ex boyfriend ako ng asawa niya. Pero malabo eh, bakit? Sino bang asawa ang gugustuhing makasama ng asawa mo 'yong gagong lalaking nanakit ng asawa mo?

Kampante siya sa akin, mukhang paniwalang-paniwala siya ni George na kaibigan ako ni George. Nakakatawa, kasi pwede namang si Jude ang hingian niya ng favor na 'yan. O sina Bruce, Gin, o si Chloe, o kahit sinong bodyguard o tao, pero bakit ako? Ako pa talaga? At ngayon, 'di ko alam kung gagawin ko ba. Dahil anong klaseng pagbabantay ang gagawin ko? Anong klaseng pag-aalaga?

Hindi ko alam kung may sinabi ba si George kay Sir Miguel tungkol sa akin para ako ang utusan ni Sir Miguel na bantayan siya. Ewan ko. Pero ang sunod kong naisip, 'yong sinabi ni Jude sa akin bago pa humingi ng favor sa akin si Sir Miguel. Na sabi ni Jude, baka ito na 'yong pagkakataon na makausap ko si George. Na baka ito na 'yong chance para masabi ko sa kanya 'yong totoong dahilan kung bakit ko siya kinailangang iwan.

Pero natatakot ako, takot ako, aminado ako. Kasi ano ang posibleng mangyari kung sakaling sabihin ko nga sa kanya? Ano 'yong posibleng sasabihin at magiging reaksyon niya kapag sinabi ko? Natatakot ako, baka siya naman ang lumayo sa akin.

Dahil sa totoo lang, kahit ramdam ko ang paglayo na ng loob niya sa akin, ayos na ayos sa akin na nakikita ko pa rin siya at nagagawang titigan. Kahit saglit lang, kahit pasilip lang.. Kahit nakikihati lang, mas gugustuhin ko pa.

Sumapit ang alas 10 pasado ay nagsimula na ang phase kung saan ay nag-umpisa na kaming busy at aligaga dahil sa dami ng customers at nakakatuwa dahil, hindi naman sa pagyayabang pero mostly na ino-order ay 'yong dishes na idinagdag sa menu which is akin.

MagbalikWhere stories live. Discover now