Episode 22

14.8K 335 130
                                    

Hue

"Nandito pa kaya siya?" Sambit ko sa sarili. Nakasimangot akong nakatingin sa gate ng school ni Cygny.

Alas-sais na ng hapon at magdadalawang oras na akong naghihintay dito pero bakit hindi ko pa rin siya nakikita? Ah, President nga pala ng CSG 'yon, baka may ginawa lang na task kaya late siyang makakauwi?

"Totoy, kanina ka pa riyan. Sino ba ang hinihintay mo? Hindi ka naman dito nag-aaral, ano? Taga-Private School ka." Tanong sa akin ng matandang Security Guard. Nakasilip ang kanyang ulo sa maliit na awang ng gate. Nakatingin siya sa uniform ko.

"Ah, hinihintay ko lang ho si Cygny. 'Yung President ho ng CSG."

"Ay, ikaw ba ang boyfriend ni Cygny? Aba't dalaga na nga talaga ang batang iyon, ano?" Nakakapangloko siyang ngumiti sa akin at tumawa naman ako sa kanya. Sana totoo.

"Kaibigan lang ho." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Lumabas siya ng gate. "Oh, sige. Hintayin mo lang at maya-maya ay lalabas na din iyon." He shoved his hand on the back pocket of his navy blue pants. "Mukha ka namang mayaman iho dahil sa Private School ka nag-aaral, wala ka naman sigurong masamang gagawin sa loob kung sakali mang iiwan ko sa iyo ito saglit, 'di ba?"

Natawa naman ako sa kanya. I like this old man. "Oho naman, 'wag ho kayong mag-alala. Ako na hong bahala."

"Oh, sige. Bibili lang ako saglit ng kape sa tindahan. Maiwan na kita." Tumango ako sa kanya at saka siya naglakad papalapit doon sa tindahan malapit sa gate.

Okay, hindi masasayang ang dalawang oras na paghihintay ko. Nandito pa pala si Cygny. Pero bakit ko nga ba naisipang sunduin siya dito?

Napapangiwi akong tumingin sa gate. Bakit nga ba? Ewan ko pero parang may puwersang nag-udyok sa akin para itigil ko ang motor ko dito.

Nababaliw na ba ako? Nababaliw na ba ako sa kanya? Luh, pota.

Habang malalim akong nag-iisip ay biglang tumunog ang gate. Napapakurap akong hinintay ang lalabas mula doon. Lalo akong napakurap nang ang tumambad sa akin ay ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Cygny.

Nagtatanong ang mga mata ko habang tumititig sa kanya hanggang sa tumakbo siya papalapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Nang magdikit ang aming mga dibdib ay ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan ba siya o kinikilig?

Oh, I'm an asshole, siyempre kinakabahan. Bakit naman siya kikiligin sa akin eh umiiyak na nga 'yung tao?

On cue, a man went out of the gate with his formal attire. He looked like a... teacher? But, why the fuck? Hinahabol niya ba si Cygny?

Nang ibaling ko ang tingin ko kay Cygny ay takot na takot siyang isinisiksik ang kanyang ulo sa aking leeg. Muli kong ibinaling ang mata ko doon sa lalaki na mukhang teacher. Naningkit ang mga mata ko nang magtama ang aming mga mata.

Pulang pula ang mata niya at alam kong hindi iyon dahil sa luha, dahil iyon sa droga. Pati ang mala-demonyo niyang pag-ngisi ay halatang wala siya sa tamang katinuan. Madalas akong nakakakita ng ganito dahil sa tropa ng mga tropa ko. Naka-drugs siya, sigurado ako.

Pero tangina, anong nangyayari? May ginawa ba siya kay Cygny? The moment I'm about to ask her, she speaks all of a sudden.

Kismet's Perfect FiascoWhere stories live. Discover now