Episode 43

10.7K 267 184
                                    

Hue

Ngayon ay alas-kwatro na ng madaling araw. Maingat akong bumangon para hindi ko magising si Novy. Malungkot akong napabuntong hininga nang napatitig ako sa kanyang mukha.

Tangina, mamimiss ko talaga 'tong view na 'to.

Heaving a sad sigh, I grab my phone and took a photo of her. I chuckle while staring at her photo. Her mouth is wide open as her saliva traced down into her jaw.

Lagi na lang tumutulo ang laway niya, gago talaga. "Kapag umalis na ako, sino nang magpupunas ng laway mo tuwing umaga?" Mahina kong sambit habang pinupunasan ang kanyang laway gamit ang damit ko.

Nang masiguro ko nang wala nang laway ang ibabang bahagi ng kanyang mukha ay sinuot ko na ang damit ko.

Napapabuntong hininga uli, hinawakan ko ang kanyang mukha. Tangina, mamimiss talaga kita.

Tangina talaga.

As the bile rose from my throat, I kissed her forehead. I should not cry. Planado nang lahat, ayoko nang masira pa ang plano kong iyon. Aalis ako para sa kanya. Aalis ako para pakasalan siya matapos ang anim na taon.

"I love you, babe." I said as I tuck the strand of her hair behind her ear. My voice is breaking and I found my own tears flowing down my cheeks. Fuck. I hate this.

Agad kong pinunasan ang luha ko at tumayo. Kailangan ko nang umalis bago ko pa pigilan ang sarili ko.

Nagsimula na akong lumakad papunta sa balkonahe.

It will take me five steps to finally stand for my own decision. Five damn steps are what it takes for me to start my long plan to marry her. I should not compromise our future. Papakasalan ko pa siya sa Batanes. Titira at magsasama pa kami doon. Kaya't kailangan ko nang umalis bago ko pa maisipan na mag-stay.

Unang hakbang.

Masakit. Nakakabaliw. Parang ayoko nang umalis. Parang hindi ko kayang mapalayo sa kanya. Parang binabawi ko na ang desisyon ko. Mag-stay na lang kaya ako?

Pangalawang hakbang.

Hindi. Kailangan kong magpatuloy. Walang masamang maidudulot kung mananatili ako sa tabi niya sa ngayon. Kailangan kong sundin ang plano namin ni Mum. Susundin ko si Grandma ngayon. Kapag nakuha ko na ang kumpanya, papakasalan ko na talaga siya. I should stick with this plan.

Pangatlong hakbang.

Tangina, bakit ba sunod-sunod ang pagtulo ng mga luhang 'to? Gago, bakit kayo lumalabas? Tangina, wrong timing kayo. I wipe my tears. I should keep on going.

Pang-apat na hakbang.

I began to sob. I can't help it. Para hindi ako makagawa ng kahit na anong tunog ay tinakpan ko ang aking bibig. Tangina, baka magising pa siya. Gagong bibig kasi 'to. Ayokong makita siyang umiyak. Magi-stay talaga ako kapag nakita ko siyang humahagulgol.

Pang-limang hakbang.

Naabot ko na ang handle ng sliding door. Kapag binuksan ko na ito, wala nang atrasan. Wala nang balikan. Wala nang bawian. Didiretso lang ako sa pagtingin. Pero ang tanginang ulo ko ay otomatikong lumingon kay Novy. Ngayon ay mahimbing pa rin siyang natutulog. Kasunod noon ay natagpuan ko na lang ang mga paa ko na dahan-dahang bumabalik sa kanya. Napakurap ako nang maabot ko na ang kama. Tangina, gumising ka Hue. Tangina, makisama ka naman.

Kismet's Perfect FiascoWhere stories live. Discover now