Episode 68

12.6K 234 191
                                    

Hue

Last night, pinauwi na ako ni Novy matapos nilang malaman ang resulta. Hindi ko din talaga nalaman kung saan siya positibo.

Thinking of it, baka buntis siya?

Kung ganoon nga, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko siya at hindi kasalanan ng batang dinadala niya ang lahat. I will still treat that child as my own if ever Novy is indeed pregnant.

Ngayon, tanghali na nang magising ako. Hindi kasi talaga ako umuwi kahapon, naghintay pa ako ng ilang oras sa waiting area. Hinintay kong lumabas si Tita para itanong kung saan ba positive si Novy pero hindi na siya lumabas pa. Noong madaling araw na, nagpasya na akong umuwi na lang.

I yawn as I ride my mustang. Dumaan muna ako sa restaurant na madalas naming kinakainan ni Novy. Nag-take out ako ng paborito niyang korean cuisine.

I am about to head to the Hospital when my phone vibrates.

---

Tita Zarina
Hijo, na-discharge na si Novy. Dito ka na dumiretso sa bahay.

You
Okay po, Tita. May dala po akong favorite korean food ni Novy.

---

Dahil hindi naman kalayuan ang Hospital sa bahay nina Novy, wala pang thirty minutes ay nakarating na din ako agad sa bahay nila. Dire-diretso na akong pumasok sa loob.

"Tita! Nandito na po ako!" Pumunta ako sa kusina at nilapag sa kitchen island ang binili ko para kay Novy.

"Hijo..." Halos mapatalon ako sa gulat noong magsalita si Tita mula sa likuran ako.

I quickly turn my head on her. I was taken aback when I saw her teary eyes. She is in unexplainable pain. "What's going on po, Tita?" I quickly walk towards her and pull her into a hug.

For a moment, she hugged me tightly as she sobs. Blinking, I really don't have any idea why the hell is she crying.

Noong binaklas na niya ang pagkakayakap ko sa kanya ay may inabot siyang papel sa akin. She wiped her tears, "Pinapabigay ito sa iyo ni Novy."

"Po?" I absentmindedly grab it. Still blinking out of confusion, I continued, "Bakit kayo pa po ang nagbigay? Ayaw niya po ba akong papuntahin sa kwarto niya?"

Tita shook her head. "Wala na dito si Novy."

My chest suddenly tightened, "Po?"

"Gusto niyang magpakalayo-layo, for the meantime." She sighed and sniffed, "Sinubukan ko siyang pigilan, hijo. Pero iyon talaga ang gusto niya, gusto niyang lumayo sa ating lahat. That is what will make her happy kaya hinayaan ko na lang. My top priority right now is her happiness."

"Pero teka, Tita." I began to panic. "Saan po siya pumunta?"

"She chose not telling us." She started to cry again.

"Pati po ang pagbalik niya?"

She sobbed as she nodded.

Kismet's Perfect FiascoWhere stories live. Discover now