Episode 55

9.9K 260 192
                                    

Cygny

One week. One week na ang nakalipas. Nagpatuloy kami ni Hue sa patagong pagkikita. Minsan, sa kwarto ko siya natutulog, minsan naman ay sa bahay niya. Nagtatanong na nga sa amin si Kaleid, sabi ko, nakikitulog lang ako. Buti na lang at madaling i-distract 'yon gamit ang mahiwagang chicken joy ng Jollibee na lagi kong dinadala para tumahimik siya.

Bumalik kami sa kung anong ginagawa namin dati. Ang kaibahan nga lang ngayon, I am cheating on my own boyfriend and I hate it.

Hindi ako makahanap ng tamang tyempo para makipaghiwalay kay Harrie. Naguguluhan din ako. Paano na ang fans ng loveteam namin? Paniguradong magagalit sila. Lalong lalo na si Mom.

But what can I do? Hindi ako sasaya kay Harrie. Kay Hue lang ako sasaya. I would rather accept all of the rocks that they will throw to me than to be with someone whom I am not happy with.

Tonight, I told myself. Pupunta ako sa bahay nina Harrie mamaya. I am decided. Hindi ko na dapat patagalin pa ito. I will tell him everything.

Maiintindihan niya naman siguro ako. We are, like, bestfriends ever since I can remember. He always want me to be happy. I know, he wouldn't mind if I choose to be happy without him as my lover.

Also, hindi ko pa din ito nasasabi kay Hue. I want to settle things with Harrie first before we talk about my feelings towards him.

Ngayon ay papasok na ako sa workplace ko. Ang malakas na boses ni Razel ang sumalubong sa akin noong buksan ko na ang pinto.

"Bes, bakit mukha kang nadiligan lately? Ang blooming mo ngayon. Anong nangyari, ha? May hindi ka sinasabi sa amin, noh?" Hinawakan niya ako sa dalawang braso at pinaupo. Pinaligiran ako nilang tatlo nina Samantha at Calizta na para bang isa akong kriminal na ini-interrogate nila.

"Umamin ka nga bes, na-kuha mo na ba ang virginity ni Fafa Harrie, noh? May nangyari na sa inyo? Oh my fucking god!" Hindi ako pinasagot ni Razel. Sunod-sunod siyang nagsalita.

I facepalm.

"Ay nakuha na nga niya!" Natatawang sambit ni Calizta at lahat sila ay nagpalakpakan.

"Ang wild mo naman, Ma'am!" Dagdag ni Samantha at nagpalakpakan uli silang tatlo.

I scowl at them. "Tumigil nga kayo! Mga utak niyo talaga!"

"Ay, indennial si bakla? Attitude?" Singit naman ni Razel at nagpalakpakan na naman sila.

I am wincing.

Kailangan ko pa palang isama itong tatlong ito sa listahan ng mga taong masasaktan sa desisyon ko. Sobrang boto kasi sila kay Harrie para sa akin.

Jusko. Bahala na si Wonder Woman.

***

Hindi pa rin tumigil ang ulan hanggang sa mag-alas-singko na ng hapon. Umuna nang umuwi sina Razel at Calizta. Si Samantha naman ay mag-oovertime. Ako naman, naghihintay sa text ni Hue. Susunduin niya daw kasi ako ngayon.

Two hours of reviewing for the subject Labor Relations, nag-vibrate na ang cell phone ko. I smile like a teenager while reading his text message.

Kismet's Perfect FiascoOn viuen les histories. Descobreix ara