Twenty Three. Third Reason: Pain

5K 61 5
                                    

Nung malapit na ko sa camp. Tumakbo na ko papalapit kina Aria.

" Oh saan galing? Para kang narape ha!?" Sabi ni Aria, hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o ano.

" Gaga, narape agad? Tssch." 

" Hindi siya narape, Nakalmot siya ng pusa oh, isang malaking pusa." singit ni Alex sabay turo sa brasong kong nagdudugo. 

Grabe din pala tong si Mangku.. Ang talas ng mga kuko parang si Wolverine. 

" May pusa ba dito sa bundok?"-Lyka

" Hindi pusa kumalmot niyan, mangkukulam. " sagot ko kay Lyka.

" Ohhh? Creepy."-Aria.

" Creepy Talaga. ! akala ko nung una maamong pusa yun pala nagtransform sa isang nakakatakot na halimaw."

" Teka, teka, teka. Diretsahin mo na nga kami? saan ka ba nakipag-away?" -Alex.

kinuwento ko kina Aria, Alex at Lyka yung nangyaring sagupaan namin ni Mangku. Syempre batok ang abot ko. Buti nga wala si Pia kung hindi tatadtarin ako nung sermon nun, Prangka pa naman masyado yun.

maya-maya dumating si Pia na parang may malaking problemang dinadala.

" Psyche. hinahanap ka ni Daelan. Psyche, ano ba kasing ginawa mo?"

bago ko pa masagot yung tanong niya. Biglang sumulpot sa harapan ko si Daelan.

*lub.dub. lub.dub*

Akala ko ready na ko.. ready na kong apihin niya, saktan niya pero hindi pa pala o baka naman hindi talaga ko magiging handa na makitang galit sakin si Daelan. Galit sakin ang taong mahal ko.

Papalapit siya ng papalapit, lalong kumakabog yung dibdib ko. Yung galit sa mukha niya, ngayon kakaiba. Ngayon mas nakakatakot.

" Asaan si Loiuse?"  matigas yung tanong niya, yung mga mata niya sobrang cold.

Nakakagulat yung tanong niya.

Napatingin lang ako sa kanya parang ayaw bumuka ng bibig ko.

Alam ko kasabay ko lang siya bumalik. Paanong wala pa siya? Well, ano pa bang bago? Malamang may plano na naman siya.

" Di ba ikaw yung kasama niya? Asan siya?" mahinahon yung pagkakasabi niya pero sobrang nakakatakot yung titig niya.

" kasama ko siyang bumalik. Hindi ko alam kung asan siya."  nanginginig yung kamay sa kaba. 

totoo naman eh, wala kong alam. Basta kasama ko siyang bumalik kanina. 

Tumalikod siya pero bago siya umalis may sinasabi siyang salitang kaylan man hindi ko malilimutan.

" Kapag may nangyaring masama sa kanya.. Hindi ko alam kung anong maari kong magawa.."

That's it. Bumagsak na ang kanina ko pang pinipigil na luha. 

Ouch. Ansakit to the maximum level.

Kahit gaano ko pa pigilan yung luha. Parang ayaw niyang paawat. Ansakit.

Oo na. Ako na si Psyche, Si Psyche na Kontrabida. Si Psyche na Flirt at gagawin ang lahat para makuha si Daelan. Gagawin ang lahat maging manakit ng iba..  Kung yun ang tingin niya sakin. Fine Be it. wala naman na kong image na dapat pangalagaan.

Nagsimula na yung bulong-bulungan sa Camp. Kesho daw may gusto daw ako kay Daelan kaya daw siguro nagawa kong iligaw si Louise.Ansama ko daw. Anglandi ko daw. Ang obsess ko daw.. Okay na sige na. Ako na lahat yun. Ako na. 

Masakit yung salitang mga sinasabi nila pero hindi ko maramdaman yun, mas masakit kasing makitang ako ang sinisisi ng taong mahal ko sa pagkawala ng taong mahal niya.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now