Secrets.

3.5K 53 27
                                    

SOOOOOOOORRRRRRRRRRRRRRRRY  SA TYPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPOOOO! SORRRRY RIN KUNG BORING! Bukas na ko edit pagsinipag!

Psyche's POV

Kakarating lang namin sa bahay ni Mama at ni ate. Di ito ganun kalaki gaya ng mga mansyon namin dati, simpleng 2 storey house na may apat ng bedroom . Nagbago na siguro si mama kasi ngayon nakakatagal na siya sa ganito, dati kasi hindi.. .

Dito muna ako tumuloy ngayon. Gusto ko kasing makabawi eh lalo na kay ate. 

Nasa kwarto ako nun  at magpapalit na sana ng damit ng may naaninaw ako sa bintana na lalaki sa may harap ng bahay namin.

Bigla na lang uminit ang ulo ko at nahirapang huminga dala ng galit. Kinokontak niya ko pero pinili kong wag na lang siyang kausapin. 

Agad akong bumaba at pumunta sa kinatatayuan niya. Nakatalikod siya kaya hindi ko agad nakita.

"Anong ginagawa mo dito?" Dahan-dahan siyang humarap ng may nakakalokong ngiti sa labi. Makita ko pa lang ang mukha niya alam kong wala na siyang madudulot na mabuti.

" Nangangamusta ng kaibigan." Ang lapad ng ngiti niya sa akin.

" Pwede wag na tayong maglokohan. Di tayo magkaibigan." matigas kong sabi sa kanya. Ewan ko kung anong problema sa mundo ang meron siya katatapos lang ng libing ng tatay ko tapos nakapula siya? Samantalang kanina parang kala mo anghel kung makaasta.

" Dahil lang sa nangyari itatapon mo lang yung friendship natin? Oh comm'on Psyche. "  Wala namang nangyari eh, nauntog lang ako. Ayoko na, masyado niya na kong nauuto.

" Wag mong ilang-lang yung nangyari.Hindi yun basta basta lang. Maraming nagbago. Maraming nawala at dahil sa pangyayaring yun narealize ko kung gaano ka kawalang kwentang kaibigan, I don't even think you should call yourself one.."

" Woah woah. Easy ka lang, parang last week lang kasing tigas ng bato yung puso mo. Ngayon nagbago lang ng ganun ganun? HAHAHAHAHAHA. Stupid so stupid."

Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa kanya. Ako lang kaya ang nakakakita ng ganitong side niya? Bait-baitan din kaya siya sa iba? Gaya ng pagiging kunwaring Anghel niya sa akin noon? Binilog niya ang ulo ko, akala ko siya yung malalapitan ko pero mas lalo niya palang pinasidhi yung galit sa puso ko.

" So? Ano na? Babalik ka na sa dati, magsasama na kayo ng Prince Charming mo? tapos happily ever after na? NAAAAAAAAAAAAAAAh Same old stories.. Akala ko ba para sayo di yun nageexist? Akala ko nagmature ka na? Akala ko mas malakas ka na at hindi tatanga-tanga? Tssssk. Great Pretender huh! Same old Psyche. Weak.. madaling bumigay. Alam mo sa laro ng buhay lagi kang matatalo. A piece of advice alalahanin mo yung sakit na naidulot niya sayo, nila sayo. Hindi yun madaling itapon." He's trying to provoke me, gaya ng dati dyan sa magaling ang paikutin ang ulo ng lahat ng tao, ang paniwalain ang lahat na tama ang mali.

" Shut up, Will you!? Life is not a game. Ayokong makipaglaro, Ayan eh, diyan ka magaling paniniwalain mo na naman ako sa mga kalokohan mo, paiikutin at kokontrolin, kung di dahil sayo hindi ako hahantong sa ganito eh.. Tama na. Just... Just Leave me alone. "

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now