Twenty Five. Hate, Pain, And LOVE.

5K 49 7
                                    

Hello Province

Hello Fresh Air

Hello Boring life -___-

Pagkababang-pagkababa ko, Sinalubong ako ni Nanay Lourdes ng sapok.

“ Aray, Nanay naman! Para saan yun?” Sabi ko sabay himas ng kawawa kong ulo. Oh my neurons, Ergh. Kung may neurons nga. Hanggang dito ba naman sumama yang malditang konsensya ko.

“ Anong sabi ko sayo dati? Sabi ko wag kang makikipag-away di ba? Sabi ko ayusin mong pag-aaral mo. Nawala lang akong saglit nagbubulakbol ka na?”

Pero infairness namiss ko yung mala-armalite niyang boses, Armalite pa lang, Pagextreme level na machine gun na

“ Nanay naman, di kaya ko nagbubulakbol. Mamaya, ikwekwento ko sayo. Hindi mo ba ko namiss at sapok agad ang salubong mo sakin?”

“ Syempre namiss, Halika nga dito. Wala ka paring pagbabago antigas padin ng ulo mo! May Fiancé ka na’t lahat pasaway ka pa din?” inakap niya ko ng mahigpit. I miss her so much. Siya lang kasi yung taong alam kong minahal ako na parang isang tunay na anak.

Haaaay Andrama.

“ Baka nga Fiancé ..” bulong ko.

“ Ha? Ano yun ?” tanong sakin ni Nanay.

“ wala po, ang sabi ko nakakagutom ang byahe. Anong ulam?”

Nga pala, pinahatid lang ako dito ng*Insert sarcasm here* mapagmahal at caring kong magulang

“ Ay Psyche, Naalala mo pa ba si Lea?”

Turo sakin ni nanay Lourdes sa isang maganda at simpleng babae na sa tancha ko parang nasa  High School pa lang siya. Nakasuot siya ng bestidang bulaklakin, hindi kagandahan pero bagay na bagay sa kanya.

Nginitian niya ko, kagandang bata ere. Ang sweet ng ngiti niya, ang innocent.

“ Lea? Hmmm?” Shinake ko ang ulo ko as a sign na hindi ko siya maalala.

“ Di bale, matagal na din naman yun, bata pa halos kayo. Siya si Lea . Anak ng pinakaloyal na trabahador niyo.”

Teka? Nadala na ko sa mga sweet at pangiti-ngit na lang, malay mo may angking kamalditahan yan. Ayoko ng sumemplang.

“ Psyche nga pala, Sige una na ko sa kwarto ko.” Sabi ko sabay hatak ng mga gamit ko.

Ayoko munang magtiwala ng basta basta, Ayokong attach sa taong kakakilala ko pa lang.

“ Psyche? Akala ko ba kakain ka? “ sigaw sakin ni nanay habang paakyat ako ng hagdan.

Million Reasons WhyKde žijí příběhy. Začni objevovat