Chapter 1: My Saviour

10.3K 124 10
                                    

A/N: Hellooooo. Salamat sa pagbabasa ng chapter one sa kabila ng pagiging jeje ng prolouge. Pasensya na po ginagawa ko ito nung sinapian ako ng isang kaawaawang jejemon. hihi.

Syempre gaya ng karaniwang Cliche at mainstream na story naisipan kong or pinagisipan ko ba talaga!? aish basta sinumulan ko siya sa napakagasgas na paraan, yun ay ang pagising ng bidang babae nung first day of school niya at late na siyaaaa.

Ang Chararat. Napakaoriginal. Sorrrrrry.

ANYWAYS THANK YOU PARIN.

Si Psyche po yung asa Side.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PSYCHE

" PSYCHE! Gising na! Jusko kang bata ka! Tanghali na!"

Halos kalabugin na ni Nanay Lourdes yung pinto pero ako, heto parin.. Nakahilata.

Sa totoo lang kanina pa ko gising. Nihindi nga ako masyadong nakatulog sa sama ng loob eh. Ayoko pumasok. Nakakainis.

Nakahiga parin ako sa kama at nakatalukbong. Kanina pa ko nagdadasal na sana tantanan na ni Nanay yung pagkakalampag sa pintuan ko. 

5 minutes ng nawala yung ingay pero duda akong sumuko na siya. Malamang naghanap lang siya ng spare keys.

" Naku naman. Ito talagang batang 'to tanghali na ansarap parin ng tulog mo?"  

Hindi ko siya pinansin pumikit lang ako ng pilit at rinolyo yung kumot sa katawan ko.

" ay ay ay! Anong drama yan Gianne? papalit pa? Para kang kinder ha."

Hinatak niya naman yung kumot ko.

Hay naku ang kulit!

Tinakpan ko naman yung mukha ko ng unan.

asdfghjkl! AYOKO PANG BUMANGON NG KAMA! AYOKONG PUMASOK! AYOKO! AYOKO!

" Nanay naman eh. Di na lang muna ako papasok!"

" Alam mong hindi pwede yan bebe, magagalit ang mama mo."

"Hayaan niyo siya magalit, di naman niya naisip na magagalit din ako kasi nilipat niya ko ng university, She don't even consider my feelings kaya quits lang kami." sagot ko kay Nanay

Ang mean ba? Bakit totoo naman eh. Kung kelan nasanay na kong magisa dun sa dating universiting pinapasukan ko at saka ako ililipat ulit. Edi panibagong adjustment na naman!? Ang masaklap pa balibalitang dun sa papasukan ko ngayon madaming masasama ang ugali. Tssss.

" Psyche, anak. Intindihin mo na lang ang mommy mo. Nilipat ka niya para narin sa siguridad mo. Doon safe ka, wala na ulit magtatangkang ki--" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya.

" Yah, Right. Tama po kayo, I'd better fix myself na."  After all hindi niya rin naman ako tatantanan eh. Tumayo na ko sa kama at inihanda yung damit na gagamitin ko.

On the second ano namang kaibahan di ba!? Dun sa school ko dati na na dedma lang ang mga estudyante at dito sa mga hambog at mapangmataas. Ganun rin naman ata ang kahihinatnan ko if ever. Edi .atahin nila ko ng matahin. Dededmahin ko na lang sila o kaya naman kapag di ako nakatiis, walang isip isip uumbagan ko talaga yung mukhangpinakaiingatan nila.

Kainis naman kasi eh.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang ako isama ng mga magulang ko sa states. Bakit!? Dahil ba di ako magaling magenglish!? Napagaaralan naman yun ah. Tsk. Ang sabihin mo Psyche ayaw ka lang nilang makasama.

Million Reasons WhyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang