Thirty Six. I'm her Fiance.

4.8K 66 8
                                    

 Psyche's POV

" Ikaw ba talaga si Daelan?"

Kanina ko pa yan tinatanong sa sarili ko at kanina pa din ako nagdadalawang isip kung itatanong ko ba sa kanya yun.

" Baka naman hindi ikaw yan? Baka kinain na ng alien  yung totoong Daelan? Baka impostor ka? Sabihin mo nga saang Lupalop ka ba galing at anong atraso sayo ni Daelan para lamunin mo siya ng ganun?" 

Alam ko OA yung pagkakasabi ko pero siguro it's my way para mapagaan yung topic. Ayoko muna kasing pagusapan pa yung about sa amin ngayon pero kanina pa kasi ko ginagambala ng thought na yun.

" Gaano ba kahirap tanggapin yun Psyche? Mahirap ba talagang paniwalaan na Inlove ako sayo?"

seryoso yung pagkakasabi niya.. 

Kung tatanungin niya ko noon ng parehas na tanong baka pinagtawanan ko lang siya..eh kaso iba na eh. Dumating na yung araw na matagal ko ng hinihintay pero hindi ko akalaing darating pala. Nagegets niyo ko? Ako din di ko din nagegets sarili ko e..

" Syempre.. di ko maiwasang hindi manibago.. Cold ka.. Exact opposite ng pinapakita mo sa akin ngayon.. "

" Bakit ayaw mo ba ng ganito ko?"

" Di sa ayaw ko.. I mean... Oo na. Gusto ko ganyan ka... pero baka kasi sanayin mo ko tapos dumating yung araw na balik ka na naman sa dati.."

Ilang segundo din  yung lumipas bago siya sumagot..

" Di mo ba napapansin lately madalas kitang tinatawag na Gianne? Gusto ko kasing maalala mo kung paano ako naging Louie sayo noon.. pero naiisip ko hindi pala si Louie yung minahal mo ngayon.. Si Daelan.. Si Daelan na kahit na cold.. nakuha mo pading mahalin.."

Hindi ko na siya inimik kahit na gusto kong sabihin na..

' hindi rin naman pala masamang magpakatanga... Okay narin pala basta ganito yung magiging kapalit.'

Kanina pa kami dito sa kwarto habang nakahiga.. nakahiga ako sa may balikat niya. Nakatingin lang ako sa kisame.. Iba yung feeling.. Ibang-iba.. Kahit na wala kaming ibang ginawa kung hindi ang pakinggan ang paghinga ng isa't-isa hindi parin ako nabobored.

** Tok.Tok.Tok**

tatayo na sana ako ng hatakin niya ko pahiga ulit.. This time sa may dibdib niya na ko naka-unan.

" Uy.. May kumakatok.."

"Hayaan mo na muna istorbo eh.."

Tapos inakap niya pa lalo ako ng mahigpit..

" Uy ano ka ba?" sabi ko habang pinipilit na makawala.

*Tok.Tok.TOk**

Lalong lumalakas yung katok.. 

" Psh.. Istorbo naman.." narinig ko pang bulong niya nung papatayo na ko at papuntang pinto.

Ewan ko ba kung matutuwa ako o ewan kasi naman masyado na siyang nagiging sweet sakin. Baka kasi sa umpisa lang yun, baka pagtumagal manawa na siya.

Binukas ko yung pinto.

Sana pala hindi ko na lang binukas..

Tumambad kasi sa harapan ko ang babaeng pinakaiinisan ko.. Walang iba kundi ang hipong si Louise.

Nakakunot yung Noo niya.. Walang duda sirang-sira ang araw niya...

Nginitian ko siya ng nakakaloko.

" Wag kang papakampante..." sabi niya saakin ng nakataas ang kilay.

Hindi ko pinansin yung sinabi niya at tinaasan siya ng kilay..

Million Reasons WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon