Should I call it a wedding?

3.8K 45 6
                                    

Finally after 12345768900 years nakapagupdate din. Sorrrrry Guys. Busy eh. pasukan na at proper na ko kaya lalong PATAY. I hope you understand! Mahirap ang buhay kaya dapat mag-aral MEHEHE!

Sorrrrry po talaga. AT SYEMPRE SORRY SA TYPO AT WRONG GRAMMAR!

===========================================================================

"Painful experiences lead us to make a choice: Either we regard it as a challenge for growth or become indifferent to the source of pain. "

Psyche's POV

Lahat naman ata ng babae nangarap ng isang perfect wedding di ba? Masarap isipin yung maglalakad ka sa aisle ng dahan na dahan at mabigat ang bawat hakbang pero sobrang bilis naman ang tibok ng puso mo, yung tipong kahit kating-kati ka na na makarating sa dulo you still savour the moment kasi napakahalaga ng lakad na yun sa buhay mo. Lahat ng nandoon nakatingin lang sa’yo kasi ikaw ang pinakamagandang babae sa oras na yun. Lahat masaya, perfect ang timing, gaya ng mga napapanuod mo sa movie, everything is magical..

and all you’ve been waiting for is to reach the end at makaharap sa altar kasama yung taong napili mong makasama for the rest of your life. Sumumpa na magsasama habang buhay?

Tama, Ako parin si Gianne, di pa ko nasisiraan ng ulo. Ang bottom line lang neto ay yung pinangarap mong yun ay isa sa pinakapathetic na pangarap na maiimagine mo.

Honestly speaking, before noong hopeless romantic pa ko, Ugh. No, mas tama atang sabihing noong medyo engot pa ko at naniniwala pa sa kalokohan ng ‘pag-ibig’ nangarap ako makasal sa simbahan, magsuot ng mahabang puting damit , maglakad habang tumutugtog ang napili kong pinakaromantic na kanta at syempre nangarap akong makita sa dulo ng altar yung taong mahal ko at mamahalin ko habang-buhay…

It..

It sucks right?  This is so not me.

Pinagsisihan kong sinayang ko ang oras ko sa pag-iimagine ng ganun. Kasi sa totoong buhay, maging perfect man ang wedding na yun hindi parin mababago nun yung katotohanang marami masamang pwedeng mangyari after that. At pag sinabing masama may posibilidad na yung perfect na moment na yun maging worst ever nightmare mo.

In my case?

Walang perfect wedding, mas mukhang libing tong kasalang to sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ako sa simbahan ikakasal…

At ang pinakamasama doon, ang lalaking kinamumuhian ko pa ang pakakasalan ko.

Ang gusto ko lang,

Matapos na to..

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now