Revealed

3K 51 6
                                    

Sorrry kung ang tagal ng update, busy sa school. Pagtyagaan kahit may typo haaa!

Thanks a lot.

Love lots! :) 

Psyche's POV

" Hindi Ma, wala kang sasabihin." Hawak-hawak niya yung braso ko na parang handang handa na siyang hatakin ako paalis dito.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko maintindihan, anong kinalaman ng Mama niya sa lahat ng to? eh halos kelan lang naman kami nag-meet ng Mama niya kahit noong unang beses na inannounce na engage ako sa kanya wala siya. Tsaka bakit ba ayaw ni Daelan na malaman ko? Will it break my heart? Sa tingin ko naman hindi eh.

Halong inis at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon. Mali hindi lang basta inis, galit. Sakit, lungkot ewan halo-halo na. 

"Di pa ba sapat yung sakit ha Anak? Ako may kasalanan nito kaya dapat sakin siya magalit. Dapat tinama ko na yung lahat noon pa para hindi ka nasaktan ng ganito"

Kasalanan? Anong kasalanan niya? Gustong-gusto ko ng marinig yung totoo, gustong-gusto ko na. Bakit kasi pilit niyang pinipigilan kung yung sekretong yun yung magtatama ng lahat?

" Matagal na yun kalimutan na natin lahat yun."

Hindi ako makapaniwalang nasasabi niya yung mga bagay na yun ngayon.

" Ka-kalimutan? Kakalimutan ko ng hindi ko man lang nalalaman?" Napailing ako, kasabay ng pagiling ko ay yung malalaking patak ng luha.

"hindi naman mahalaga yun eh, tara na umuwi na tayo." pinahid niya muna yung luha sa mga pisngi ko at saka ako hinawaka sa kamay.

Paano niya nasasabing hindi mahalaga? Gag* ba siya? Kung sa kanya hindi sakin oo, kasi habang tinatago nila sakin yun feeling ko may kulang.

" Hindi ako uuwi, Ma, please sabihin mo na." Halos magmakaawa ako sa kanya.

" Pwede ba Daelan, stop protecting my image, she deserve to know everything."

Hindi niya pinansin si Mama, hinatak niya lang ako basta-basta kulang na lang kaladarin niya ko doon. 

" Daelan, ano ba nasasaktan na ko. I mean it, at pagsinabi kong nasasaktan ako hindi lang physically, I'm emotionally hurt too. Hindi applicable dito ang past is past. What if yung past lang ang makakatatama sa present? What if, kapag hindi ko nalaman yung noon hindi maging maayos yung future. Kaya please Daelan, magtiwala ka naman sakin oh," Niluwagan niya yung pagkakahawak sa kamay ko. Tumingin siya kay Mama na parang sinasabi niyang wag nito ituloy ang sasabihin niya.

Hindi siya nagsalita at yumuko na lang. I know para sa kanya this is not the right time, para sakin ito na yun, kasi kung hindi kailan pa? Kung kelan kinamumuhian ko na talaga siya ng sobra?

" Back then, gustong-gusto ko si Lianne para sa kanya. Tunay na anak yung tingin ko noon kay Lianne. I was so happy nung malaman kong naging magkarelasyon sila, I want her, gusto ko magkaroon ng anak na babaeng kagaya niya. Akala ko okay na yung lahat eh, not until you came in the picture, ikaw pala yung dapat pakasalan niya, sayo pala dapat. Mas nahirapan akong tanggapin yun kasi nakita kong parehas silang nasasaktan nun. Pinilit ko pa nga maging sila na lang pero wala eh gusto ng papa niya na sayo siya ipakasal."

Million Reasons WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon