Thirty two. Jealousy Game.

4.7K 66 6
                                    

Psyche's POV

eto na naman kaming mga barkada ko, nandito sa balcony ng kwarto ko habang nagchichikahan. Wala akong magagawa sila lang naman ang kaibigan ko dito so sila lang ang advisers ko. Kahit andami nilang kwento kahit madalas nakakainis at out-of-this-world ang suggestion nila.. Nakikinig parin ako. Bakit may choice ba ko? -_____- Ipipilit at ipipilit din naman nila yung gusto nila eh.

[A/N : wala atang chapter ng storyang tong hindi sila ngchikahan, sorry mahilig ako sa chika]

" Dumikit ka lagi kay Jarren.." -- Lyka

" OO, tapos dapat malagkit yung tingin mo sa kanya, parang ganito.." Dinemo pa ni Aria yung Malagkit na tingin kahit mas mukhang nakakadiring tingin yung ginawa niya.

" Eww. " Bulong ko.

" Hoy-hoy! Anong Eww? Dapat mong seryosohin to girl. Okay lang sa amin matalo sa pustahan basta makamit mo na din ang matagal mo ng inaasam-asam na si Daelan." Aria

 inaasam-asam? The Hell. Para tuloy akong mukhang scary Stalker niyan. 

" Tigilan niyo na nga yan, hayaan niyo siyang gawin yung way niya.. " Pia

" Edi kung ginawa niya yung way niya edi talo ka na sa pustahan ?"

" Hindi rin. basta ito lang masasabi ko sayo Psyche, hayaan mong lumabas naturally, ifeel mo lang lahat ng sakit tapos ayun gawin mo yung mga ginawa niya sayo noon..."

gawin yung ginawa sakin noon?

" You mean dapat mas cold pa ko sa bangkay? yung parang walang pakialam? yung kung tumingin parang araw-araw eh may PMS? MAHIRAP yan noooh! di ako ganun!"

" Wag ka kasing umarte. wag kang magpanggap.. Oo, mahal mo siya, sobrang mahal mo siya.. To the point na mapapatawad mo siya agad-agad.. hindi ganun dapat yun Psyche, Minsan dapat mo din siyang pahirapan kahit gaano mo pa man kagusto siyang patawarin, hindi dahil gusto mong gumanti kundi dahil para maassure mo na karapat-dapat siya sa sorry mo.. kasi ang sorry gaya ng I Love You, hindi yun basta-basta binibigay, dapat ini-earn yun.."

Nganga. As in Literal na Nganga hindi lang ako pati na din sina Aria, Lyka at Alex.

" Galing ba talaga sayo yan Pia? Weird? para kang sinasapian.."-Alex

Umirap lang si Pia tapos tumingin sa ibang direksyon..

Tama siya, Hindi kayang pawalain ng isang sorry yung sakit. Syempre andun parin yung takot na masaktan ulit at ang sorry... isang salita lang pero paggaling sa taong mahal mo, ang sorry nagiging isang libong salita na kahit masakit nagiging okay ang lahat... Tama nga sila pagnagmamahal nagiging Martyr.. pero di naman dapat laging ganun..

Mahirap pero kakayanin, ayoko na kasing masaktan ulit..

" Pero mas maganda sana kung wala ng sagabal eh.." biglang nagsalita si Alex.

" Sagabal?"

" Sino pa bang sagabal? edi si Impaktaaa? sabay turo dun sa babaeng kasama ni Daelan sa baba..

Oo nga sagabal..

"dapat sa kanya. Dinidispatcha" -Pia

ito na ba yung part na good girls gone bad? Mean girls ang peg.. papalayasin siya? ipapakaladkad kay Uni? isasako? itatapon sa payatas? ipapahabol sa pitbull? ipapakiss sa buhaya? ipapakidnap kay jigsaw? ipapadala sa mga cannibals ng wrong turn? ipapatapon sa sun dahil sobrang hot siya? o ipapakamot kay Wolverine yung balat niya dahil sobrang KATI niya?

naisip ko pwede naman in a nice way...

baka pwedeng hakutin na lang yung gamit niya at ibenta sa garage sale tapos yung kikitain mapupunta sa charity.. o di kaya wag na lang bigyan ng pagkain tutal makakasira sa diet niya? pwede rin bigyan ng ticket papuntang Milky way sabi kasi ng teacher ko madaming stars dun.. o sa black hole? pwede din dun sa place kung saan lumubog yung titanic?

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now