Forty Five

4.3K 77 20
                                    

Psyche’s POV

“ finally, andito na ulit tayo sa Pilipinas, nagkakanda pilipit-pilipitt dila ko doon sa paris eh. Haaaaaay ngayon pwede na kong dumaldal ng dumaldal.” Tuwang-tuwa si nanay nung makarating kami sa airport.

Walang may alam na kahit na sino na ngayon ang dating ko sa Pilipinas kaya hindi ako masyadong dinumog ng mga reporters at kung sinu-sino pa. Well, mabuti narin kasi pagod na pagod ako at away ko munang humarap sa maraming tao.

“ Infairness ha, Namiss ko din ang Pinas.WOHOOOO welcome back sa akin” Sabi ni Eros. Aayaw-ayaw pa siya kunwari pero kung makareact siya ngayon parang tangang nagtatalon. So irritating.

Wala akong gusto gawin kung hindi ang magpahinga at maghanda para sa event bukas. May event ako bukas sa isang sikat na hotel pero  Obviously, hindi siya sa akin nakapangalan. Gusto kong kasing masurprise ang lahat.

Inimbitahan ko lahat ng sikat na pangalan sa fashion industry, pero meroon din akong inimbitahan na mga sikat at popular na tao sa iba’t ibang larangan.

Hmm, yeah. I’m quite excited. Habang iniisip ko napapangiti na lang ako.

 Alam kong kaya ko to kasi iba na ko. Ako na si Gianne, yung matapang at matalino .

“ Psy—“ kinalabit ako ni Eros at bago niya pa mabuo yung pangalang tinawag niya sa akin, sinamaan ko na siya ng tingin.

“ GIANNE.” Sabi ko ng madiin na madiin. Mukhang nagsisi na kong sinama ko pa siya. Sobrang annoying kalalaking tao.

“ Ehehe. Sabi ko nga Gianne.. Tara pasyal tayo.”

“ Hindi tayo pwedeng mamasyal. May trabaho ka bukas.” Sabi ko habang naglalakad ng mabilis.

“ Ha? Bukas agad? Bakit? Namiss ko pa naman ang pilipinas, Sige ako—“

“ ANG SABI KO HINDI TAYO PWEDENG MAMASYAL. “ tapos nag-roll ako ng eyes.

“woah. Woah. Sabi ko nga eh, pagod ako kaya magtutulog na lang ako. “ napakamot na lang siya sa ulo.

Nadadaan naman kasi yang lalaking yan sa sindakan.

Dumiretso na agad kami sa hotel, hotel kung saan din gaganapin yung fashion show ko bukas. Kailangan maging maayos ang lahat kaya dumaan muna ko sa venue.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now