Forty Six. Karma

4.4K 70 26
                                    

Hi there! Dedicated sayo kasi ankyut ng comments mo. MEHEHE.

A/N: Pacomment na lang po if gusto magpadedic. Thanks yoooou. Iloveyouuuallll. 

Daelan’s POV

Hindi maalis alis sa isip ko yung muli naming pagkikita ni Psyche. Hindi ko magawang matulog dahil sa tuwing pumipikit ako, nakikita ko yung mga mata niya nung nagkatinginan kami habang nasa runway siya. F*ck! Umaga na ngayon at wala akong ibang ginawa buong gabi kundi ang tumitig sa kisame. Paulit ulit ding nagplaplay sa utak ko yung huli niyang sinabi sakin.

Oh really? Too bad. Matagal nang wala yung taong yun.

Oh really? Too bad. Matagal nang wala yung taong yun.

Oh really? Too bad. Matagal nang wala yung taong yun.

Iniisip ko pa lang na wala na si Psyche, parang sumasakit na yung puso ko. Sh*t! I know it sounds so gay pero yun talaga ang nararamdaman ko. Alam kong may possibility na hindi niya ako mapatawad. Pero sh*t lang! Hindi ko kayang maagaw siya ng iba. Never!

Hayyy. Ang dami kong iniisip. Kailangan ko na palang bumangon at mag-ayos ng sarili dahil may pasok pa ako ngayon. Just so you all know, CEO ako ng isa sa mga kompanya namin.

“ Couuuuuuuuuus!” Umagang-umaga sumisigaw na naman tong maingay kong pinsan. Karindi eh.

“ How’s Psyche?” bungad niya nung nakaupo na ko sa dining table. Umupo din siya at naunahan pa kong kumuha ng pagkain.

May dala-dala siyang dyaryo. Himala, bibihira siyang magbasa ng dyaryo.

Nabalitaan niya na malamang, Tsss. Buong araw niya naman akong kukulitin.

“ Ayun, Ang ganda-ganda parin, bigtime na tapos mukhang model kaso..” sagot ko.

“ Kaso ano?” nakanga-nga siya na parang naghihintay ng sagot ko.

“ Kaso iba na siya, mahirap abutin.”

Humagalpak siya sa kakatawa ng marinig yun.. Werdo talaga tong isang to. Hindi na tumanda nakagraduate na nga’t lahat medyo may topak parin.

Uminit lang yung ulo ko nung marinig yung tawa niya.

“ Anong nakakatawa?” tawa parin siya ng tawa.

“ HAHAHAHA—ANG—HAHAHA ANG BAKLA NG PAGKAKASABI MO, YUCK ANDRAMA MO LANG COUS HAHAHAHA.”

“ seryoso ako, ayaw niya na sakin at wala na siyang pakialam.” Sagot ko, alam ko para akong tangang nagsusumbong ng nararamdaman ko para kay Psyche pero malay mo makatulong siya, ganito ko kadisperado kahit yung baliw kong pinsan hihingan ko ng tulong.

Tumigil siya sa kakatawa at tumingin sa akin ng seryoso.

“ First time ha!? Tiklop ka sa kanya? Ang bading mo para kang highschool.. wag mong sabihing suko ka agad?”

“ Hell, No! Gagawin ko ang lahat mapasakin siya ulit.”

“ Eh yun naman pala eh, pero sa tingin ko mukhang malabong maibalik mo yung kayo as in sobrang imposible na, di sa dinidiscourage kita ha? Nagsasabi lang ng totoo. Kung ako nga kay Psyche dapat pinabugbog kita sukat ba namang italkshit ako para sa ate ko? Tapos dinown mo pa, Tsk tsk. Tapos andami mo pang kalaban, wala ka na taob ka na cous….” Iniwan ko siya doon habang nagdadaldal. Wala naman akong pakialam kung boto ba siya sa akin oh hindi eh. Wala akong pakialam kahit sabihin pa nilang imposible, wala. Basta kahit anong mangyari I'll get her back.

  Di ko namalayang sumunod pala siya sa likod ko. Binuklat niya yung dala niyang dyaryo at iniharap sa akin.

Hinablot ko sa kanya yun at binasa.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now