Twenty Nine. Better Than Revenge.

5.2K 79 15
                                    

Psyche's POV

" Bakit ka ba andito?" Ilang beses ko ng tinatanong sa kanya yan pero ni isang beses hindi niya ko sinagot ng matino. 

Ayoko na sana siyang kausapin pero kailangan ko ng mapaalis tong isang to.

Nakatingin lang siya sa akin ng maangas ang mukha. Cold. as always..

hindi ko magawang tumingin sa kanya ng matagal... Feeling ko nasasaktan ako..

iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

" Hindi naman siguro hangin ang kausap ko, "

hindi padin siya sumasagot. Sobrang unwelcoming na tong ginagawa ko sa kanya. Hello? di pa ba obviuos? Kulang na lang eh isigaw ko sa kanyang umalis na siya dito.

" ERGH! Nonsense.." Tumayo na ko.

Mukhang di effective sa kanya yung *ehem* parinig at paramdam na gusto ko na siya paalisin.

Unting tiis na lang. Relax lang Psyche.. You just have to endure it. Tiis-tiis lang.  

" Di mo rin naman maiintindihan kahit sabihin ko kaya wag ka na ulit magtatanong."

Di ko maiintindihan? Psh. Tanga ka nga kasi Psyche di ba?

Psh. Ang yabang talaga. Niaangasan ako neto kanina pa, pigilan niyo ko babangasan ko na to. Bakit feeling niya ba cool siya? Hindi Cool, Cold..! Magkaiba yun.

Pumasok na ko sa kwarto ko at humiga sa kama.. Nakatingin lang ako sa kisame..

Paano ko ba mapapaalis to? Syems kulang na lang ipagduldulan ko sa kanya.. kung magpaka-straight forward na ko at hakutin lahat ng gamit niya palabas ng gate. Haneeep. Di ako ganun kasama! 

Insensitive ba talaga siya? o talagang nananadya! wag lang sanang dumating yang lintang Girl Friend niya.. Naku kasi kung dumating yan dito..  Babakat yung sapatos ni Uni sa mukha niya. 

*toot toot* Agad kong kinapa sa bulsa yung phone ko, kanina ko pa kasi hinihintay yung text nila Aria.

[ Good night ] - galing sa unregistered number.

Sino unknown specie na naman to? tarayan na lang natin.

[ The who are youu? ] reply ko sa kanya.

 Mga isang minuto lang yung nakakalipas nagreply din agad siya.

[Daelan.]

kinusot-kusot ko pa yung mata ko malay niyo namamalik mata lang ako. 

" AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH! " naiinis ako na parang natataeng ewan. 

 Alam kong hindi ako naiinis pero hindi to dapat... hindi to dapat. Hindi ako kinikilig! Swear! HINDI!

Seryoso! Ang peste niya, nagpalit pa siya ng bagong number ha para ba inisin ako? Para ipamukhang di ko kayang magmove-on sa kanya?

Kailangan ko talagang pigilan lahat ng kilig hormones ko kasi kung hindi, hindi ko din magugustuhan yung outcome..

[ Szorieeeh pwohs waluuh pwohs aqckong kilAlang DaeLAn Ajejejeje. ] ayan. dapat hardcore na kajejehan para hindi niya na ko replyan. Mahihirapan siyang magbasa. 

Pati payapang buhay ng phone ko malalagyan niya ng virus niya...

[ wag mo kong lokohin Stupid! ]

Stupid!?

Sanay na kong marinig sa kanya yun Noon, Ngayon nakakapanibago na. Siguro dahil ito yung isa sa mga bagay na gustong gusto ko ng ibaon sa limot.

Di na biro to Psyche.. Babalik na naman tayo sa dati.. uulit na naman tayo sa umpisa - malditang konsensya.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now