HOPELESS

2.4K 52 19
                                    

A/N: SORRRRY FOR THE NTH TIME! MABAGAL AKO MAGUPDATE I KNOW, SORRY. SA KABILA NG PANGTRA_TRASHTALK KO, BINABASA NIYO PARIN ITONG STORY KO. SORRRRY ALIGAGA NA KASI SA SCHOOOOL ! i HOPE YOU UNDERSTAND GUYSSSSH

SORRY SA TYPOOOOOOO! 

Psyche’s POV

Hinatak niya ko pababa ng sasakyan. Gusto kong tumakbo kasi parang alam ko na yung susunod niyang gagawin. Nandito kami ngayon sa parking lot ng condo niya.

                              

“ Wag kang umiyak.” Utos niya sakin. Tinignan ko lang siya, kusa kasing pumapatak yung luha sa mata ko eh.

“ Sabi ko tumigil ka sa kakaiyak!” pinanlisikan niya ulit ako ng mata, hinawakan ng sobrang higpit sa braso na kulang na lang makalas yung buto ko.

“ I can’t do anything about it. “ sagot ko sa kanya.

Sobrang bilis ng pangyayari. Next thing I know, hinagis niya ko sa kama.

Kung kanina kusang pumapatak yung luha ko ngayon sunod-sunod ang paghikbi ko.

Sinimulan niyang hubadin yung shirt niya. Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi lang pala kaba, Takot. Takot na takot ako sa kaya niyang gawin. Gawin niya na sakin lahat, Kalbuhin ako, Bugbugin, lumpuhin, at kahit pa patayin, Wag lang ito.

“ TIGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN ANG TAPANG MO!”

Tumayo ako sa kama at naglakad papuntang pinto ng harangan niya ko. Inakap niya ko, akap na hindi na halos ako makahinga. Sinimulan niyang Halikan yung leeg ko… Nagsitayuan ang balahibo ko sa takot. Nanginginig na yung tuhod ko at pinagpapawisan ng malagkit.

“ Akin ka lang, Psyche.. Akin lang.” Buong lakas ko siyang itulak pero parang walang epekto yun sa kanya. Patuloy parin siya sa kababuyan niyang ginagawa…

“ Parang awa mo na, A-a-ayoko, wag… wag…”

Tumigil siya at hinarap ako. Ngumiti siya sakin, ngiting demonyo.

Nagdadasal ako na sana magmilagro. Sana pananginip lang lahat ng ito, sana bangungot. Sana bukas kasama ko parin si Daelan, Sana Lord.. Promise po, promise papakita ko na sa kanyang mahal ko siya ng sobra. Sana po..

Pero sobrang imposible nung hiling kong yun. Paano magiging bangungot kung ramdam na ramdam ko yung sakit tsaka isa pa, dapat handa na ko sa ganito. Ako ang naglagay sa sarili ko sa ganitong sitwasyon eh. Walang dapat sisihin kung hindi ako.

Halos mapunit na yung damit ko sa hawak niya, nasa loob na din ng pangitaas ko yung kamay niya. Nakakadiri. Nakakainis kasi wala akong magawa. Walang magawa kung hindi ang makiusap.

“ Jarren.. Tama na…” pabulong na yung pakiusap ko, sobrang lakas na ng hikbi ko. Hinahabol ko narin yung paghinga ko dahil waga tigil yung pagiyak ko.

Hinahawakan niya na din ako sa masenlang parte ng katawan ko. Hindi ko na kaya ito. Nasusuka ako. Nasusuka!

“ TAMA NA JARREN.” Tinulak ko siya at gaya ng nauna wala paring epekto sa kanya.

“ Jarren, parang awa mo na. Wala naman akong kasalanan sayo di ba? Matagal na yun.. Matagal na matagal na. Hindi ko kasalanan yun. Hindi.”

Huminto siya sa paghawak at paghalik sakin.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now