My Miracle.

3.2K 47 10
                                    

SPELL SABAW! SORRRRRY GUYS. BEAR WITH ME!

Psyche’s POV.

All I remember was this…

I’m walking…

Walking alone..

And then there’s this scenario…

May isang babae, nakayuko siya at natatakpan na halos ng buhok niya ang mukha niya.

Pamilyar yung mukha niya. Sobrang pamilyar.

Naglakad ako papalapit sa kanya. Mabigat ang bawat paghakbang ko. May nararamdaman akong kaba sa dibdib ko.

Natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya pero gusto kong umatras at tumakbo.

 Unti na lang makikita ko na yung mukha niya ng bigla niyang itaas ang ulo niya..

Kaya pala sobrang pamilyar kasi.. kasi ako pala siya

Ako yung babae… Babaeng umiiyak..

Hanggang sa marealize ko na lang na nasa harap pala ko ng isang malaking salamin.

Bakit? Ano to? Ako na lang mag-isa.

Iniwan ba nila ko?

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ako sigurado pero alam kong negatibo emosyon ang bumabalot sakin.

Sinubukan kong humanap ng tao sa paligid.

Lumingon ako ng lumingon.

Pero ni isa wala.

 Takot na takot ako habang pinagmamasdan kong unti-unting nawawala yung ilaw sa paligid ko.

Isang pamilyar na boses ang nag-echo sa paligid.

Alam mo ikaw! Akala mo kasi ikaw ang laging bida! Akala mo ikaw ang laging inaapi. No Psyche, It is the other way around. Nasaktan ka namin and now you want to get even? Vengeance is never an option Psyche, Hurting those who hurt you is never an option.  Sinasaktan mo kami, kaming mga taong naghihintay na patawarin mo. Ngayon magsisi. Magsisi kang hindi mo nakasama yung mga taong mahal mo dahil sa galit mo. Hindi na rin ako magugulat kung balang araw, mawala lahat sayo. At sana nga dumating ang araw na yun para malaman mo kung gaano kasakit yung ginagawa mo sa amin. Kung gaano kasakit ang maghabol.

 

At sana nga dumating ang araw na yun para malaman mo kung gaano kasakit yung ginagawa mo sa amin. Kung gaano kasakit ang maghabol.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now