The Chase is finally over

2.4K 54 17
                                    

THE CHASE.

Daelan’s POV

“Pwede ba Lyka? Tantanan mo na ko. Wala kang pakialam sa buhay ko. Kung mamatay man ako kakasunog ng baga o kakahithit ng sigarilyo, wala kang pakialam.” Sigaw ko at saka ako humilata ulit sa kama.

Tumigil yung pagkalampag sa pintuan. Mabuti naman kasi wala talaga akong balak pagbukasan sila. Sirang-sira na ang buhay ko. Wala na itong pag-asa, wala na kaya ano pang magagawa nila para maremedyohan itong patapon kong buhay.

Sinipa ko yung nagkalat na bote sa kama ko. Ansakit na ng ulo ko, hindi ko na mabilang yung araw simula nung araw at gabi akong nagiinom, hindi na ko magtataka kung isang araw makita na lang nila ko ditong bangkay na. Hindi na ko natatakot kasi ano pang silbi ko dito di ba?

“ PINSAN BA KITA? WALA AKONG PINSANG DUWAG! OH YAN GAGO, BAGO KA MAGMUKMOK, TIGNAN MO MUNA ITO.”

“PUTCHA NAMAN LYKA! ANO NA NAMAN BA ITO?”

Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito pero wala na akong pakialam, ayoko siya dito. AYOKO ANG KAHIT SINO DITO SA KWARTO KO, SA BUHAY KO! Tumayo ako mula sa pagkakahiga, lumapit sa kanya at saka siya hinawakan ko sa braso.

“ UMALIS KA NGA DITO.” Tumingin lang siya sa mga mata ko ng hindi ko mawari kung awa ba yun, takot o pag-aalala.

“ Bago mo ko paalisin, tignan mo muna kung masisikmura mo ito.” Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa braso niya. Pagkatapos may kung anong hinugot sa bulsa, nung makita ko cellphone niya yung hawak niya at saka siya may pinindot. Habang ginagawa niya yun tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha niya. Hindi ko alam kung bakit nakikinig pa ko sa kanya. Dapat sa mga oras na ito pinapaalis ko na siya eh, tinataboy.

May pini-play siyang video. Namagnet yung mata ko sa Video na yun. Kung kanina malakas yung tama ko dahil sa alak at sobrang sakit ang ulo ko, ngayon alam ko at malinaw na malinaw na si Psyche ko yun. Si PSYCHE KO YUNG SINASAKTAN NIYA.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!” nasipa ko ng malakas yung kama ko. Nakaupo na halos ako tabi ng kama, kulang na lang ipukpok ko sa ulo ko lahat ng boto ng alak na nainom ko. PUT*! ANSAKIT! WALANG NG MAS SASAKIT DUN!

“She’s being blackmailed, sa tingin ko kaya siya nakikisama kay Jarren ay para sayo. She wants to protect you”

“ Protect me? That should be me, I should be the one to protect her and not her to protect me. “ pahina na ng pahina yung boses ko nung sinasabi ko yun.

Tang-*na ang tanga ko! Putcha, all this time alam kong iniwan niya ko, all this time akala ko wala na yung pagmamahal niya sa akin at puro galit na lang. Tapos itong makikita? Sinasaktan lang siya, sinasapak, sinasabunutan? Hindi niya deserve yun. Higit pa sa pinatay ng siyam na beses ang nararamdaman kong sakit at sa sobrang galit ko dun sa Jarren na yun baka mapatay ko siya. WALANG PWEDENG MANAKIT KAY PSYCHE!  WALA! Sobrang sakit na yung naranasan niya sakin natatakot ako na baka hindi na niya makayanan.

Tangna! Kung sana hindi ako nanawang maghabol sa kanya, kung sana hindi ako sumuko baka ngayon nasa tabi ko parin siya, baka naprotektahan ko siya sa lalaking yun.

Sising-sisi ako, nagagalit ako dun sa gag*ng si Jarren at sa sarili ko.

Kailangan kong bumawi, kailangan ko siyang makuha dun sa demonyong yun.

“ ASAN SI PSYCHE? ASAN SIYA?” tumayo ako at hinawakan sa magkabilang balikat si Lyka.

“H-indi ko alam, Kaya ako pumunta dito ay para humingi ng tulog sayong hanapin siya.”

Wala kaming inaksayang oras at umalis na sa bahay. Tumawag din pala sila Lyka ng pulis. Good thing planado na pala ang lahat bago ko malaman. Tinarace na nila yung mga pwedeng puntahan nung demonyong yun. Ang loko ang dami palang condo, meron sa manila at may mga bahay pa sa probinsya. Hayup siya kahit saang lupalop niya pa itago si Psyche hindi siya magtatagumpay.

Million Reasons WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon