Forty Eight. Heartless

4.2K 62 11
                                    

Hi, weifiwafer. Salamat sa mahahabaaaaaaaaaaaaaaaang Comments. :))) Alam ko pangilang dedic ko na sayo, wala lang! Bukod sa parehas tayong addict sa myungyeon, wala lang talaga ulit ! Sana makausap ulit kita. Thankiesss!

A/N: Sorry po ngayon lang ako nakapag-update, kahapon dapat kaso walang net MEHEHE! Sorry ha ang kupad ko. :)) COMMENTS PO! Thanks po and God Bless.

My typo po yan for sure. 

Psyche’s POV

“ I think that’s too much.” Narinig kong sabi ni Eros. Mukhang ngayon na lang ulit siya nakarecover kanina pa kasi siya walang imik eh.

Don’t tell me naawa siya doon sa lalaking yun? If only he knows.

“ Too much huh? I don’t think so..” Wala siyang karapatang sabihin yun, hindi niya alam kung gaano kasakit yung naramdaman ko noon. I don’t care kung anong maging tingin nila sakin. I don’t give a damn.

“ Psyche..”I just sighed after I heard that stupid name. I had enough and it’s too dramatic.

Binitiwan ko yung hawak kong baso na may lamang alak sa isang lamesa at naglakad papalampas sa kanya . Mas maganda atang mag-isa na lang ako kesa makipagtalo sa mga bagay na walang kabuluhan.

“ Lagi kitang tinatawag na Psyche. Alam mo kong bakit? Kasi bagay ang pangalang Eros at Psyche di ba? Sa greek mythology. Nasabi ko sa sarili ko non, sana kahit sa pangalan man lang maging bagay tayo. “ and then he smiled bitterly.

Hindi ko alam kung bakit nung marinig ko yung tono ng boses niya napatigil na lang ako.  At kahit na sinasabi ng utak ko na wala akong pakialam parang may kung anong bagay na pumipigil sa akin. It’s as if may sasabihin siyang totoo at may sense.

“ After your birthday hindi na tayo nagkita ulit not until one day nakita kita sa Paris. I was so surprised back then. Alam ko it’s too gay kapag sinabi kong that time bigla akong naniwala sa destiny. Akala ko kaya tayo pinagtagpo is maybe we’re meant to be.” Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin straight to my eyes.

Hindi ko pa nakikitang ganyan si Eros. Hindi ko na alam kung nagpapatawa ba siya o seryoso siya.  Kung nagpapatawa siya wala akong panahon sa mga kalokohan niya pero kung seryoso siya, alam kong mas malaking problema.

“ Kaya naghanap ako ng paraan para malapit sayo.  Di naman ako nabigo.. Okay na sana eh, Ayos na kaso may nagbago. Pinaniwala mo kaming iba ka na.. Akala ko hindi na ikaw yung Psycheng nagustuhan ko.. Akala ko gaya ng sinasabi mo ikaw na si Gianne…“

“ Pero hindi pala, may nagbago sayo pero ikaw parin si Psyche.” Naguguluhan ako.

“ Kalokohan.” Sabi ko, siguro it’s my way para maka-cope sa situation. Hindi ko na alam yung sasabihin ko, might as well think of it as a joke.

Alam ko sa sarili kong nagbago na ko, I’m not her! I’m a lot better. 

Tuluyan ko na siyang iniwan. Ewan ko ba kung nagtatapat  ba siya sa akin o pinagdikdikan sa mukha kong ako parin yung dating ako. Ang gulo. Ang gulo-gulo na ng gabing to.

Inayawan ako ng mga kaibigan ko dahil iba na ko, lumapit sa akin yung lalaking kinamumuhian ko para sabihing gaya parin ako ng dati at ngayon si Eros naman, sabi niya may nagbago sakin pero ako parin yung stupid na babaeng yun.

Pointless. Kahit saan ko tignan para sakin it’s still nonsense.

---

Papauwi na ko noon at papasakay na ng taxi. Ayoko na kasing sumabay sa kahit na sino. Umuwi na din ako ng mas maaga, mahirap na baka kung ano na namang kadramahan ang masagap ko.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now