Twenty Eight. Pusong-bato.

5.1K 71 17
                                    

Nagising ako na nasa isang puting-puting kwarto.

halos lahat puti

hello? Patay na ba ko..

Medyo malabo pa yung paningin ko..

Patay na ba talaga ko

Kung patay na ko. bakit ang sakit ng buong katawan ko.. ansakit ng ulo...

Dapat di ba wala na kong nararamdaman. 

Asan na ba ko..

Ang labo-labo.. 

Ang gulo...

ang ingay-ingay, andaming salita ang pumapasok sa tenga ko pero ni isa wala akong maintindihan..

Hanggang sa..

" Psyche, Okay ka lang ba? Magsalita ka Please."

tama nasa Hospital ako at kay nanay Lourdes ang boses na yun..

Ang huli kong natatandaan, eh yung nahulog ako kay Uni. Tapos wala na kong maalala..

" Ikaw naman kasing bata ka, ang pasaway mo.. hindi ba sabi ko sayo wag magpapatakbo ng mabilis. pero ano lumayo ka pa at kung saan-saan pumunta. Akala mo ba maliit lang yung hacienda niyo.. Kahit ako naliligaw dun eh. nakuuuu. Pasaway ka talaga. Mabuti na lang at nakita ka ni Lea."

hindi ako nagsalita. Si Lea pala. Akala ko naman kung sino.. 

Sino iniisip mo? Akala ko ba magmoMove-On ka na..--Malditang Konsensya


Wala.. wala akong iniisip.. Hindi ako nageexpect ng kung sino.. Thankful ako kay Lea sobra

 Sinungaling,



" Hoy Gianne, Ang tapang mo magpatakbo ng mabilis ah.. Kawawa naman Yung kabayo sa bigat mo.." Sigaw sakin ni Matthew.

Parang may nagsabi na sakin niyan.. parang narinig ko na yun. hindi ko maalala, ayokong alalahanin.

" Hoy, Hindi ka ba magsasalita.." sigaw na naman niya sakin..

Hindi ako umiimik feeling ko lumulutang pa yung isip ko... May naiisip akong bagay na dapat hindi ko na naiisip.. Dapat matagal ko na tong ibinaon sa limot..

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now