Eight. The Cat Fight. Rawr

5.3K 67 3
                                    

Ilang araw na din yung nakalipas simula ng lumipat ako sa condong to.. okay naman.. Okay kami ni Shungit.. Ayos lang ang lahat except the fact that I can't really help it... 

okay aminan na! Kahit ubod ng yabang niya.. kahit minsan masungit siya, ay mali, Lagi siyang Masungit SAKIN!. Kahit may times na ang cold cold niya.. Nasanay na ko, Kung iniisip niyo walang problema dun.. Mali kayo..

Hay! PAG-IBIG! Bwisit na kupido bakit siya pa? Bakeeeeeeeeeeet?

OO NA! HIGIT PA SA PAGKAKA-GUSTO ANG NARARAMDAMAN KO SA KANYA.. MAHAL KO SIYA.. pero anong magagawa ko?

sabi ko na kasi bawal ng tumingin sa kanya eh at bawal ng makipag-usap.. Tch. Ano bang mahirap dun? TCH!  Hindi naman mahirap eh.. Sobrang hirap.. parang sinabi ko na rin sa sarili ko na Bawal akong huminga.. Hay Ang Kornee..

Sabi nila Pia. mahirap siyang mahalin.. Tama naman.. Ang hirap mahalin ng isang Daelan Louie Tan.. pero madaling mahulog sa kanya.. -__- Hbang tumatagal pa korni na ko ng pakorni..

" Hoy? Bakla? Tulaley ka na naman?" Aria.

 

" Ha? may sinsabi ka?"

si Aria lang kasama ko ngayon.. Wala yung dalawa ewan ba kung asan.. Allergic ata sa Library.

Oo tama, nasa Library nga kami.. 


" teka sino bang tinitignan mo ?" Tumingin si Aria sa pinagmumulan ng inis ko..


" Ahh. Si Fafa Dae--" tinakpan ko yung bibig niya.

 


" Daldal mo tara na nga.." Hinatak ko na siya palabas ng Library.. wala din naman kaming ginagawa.. 

Magpapalamig lang sana kamu, ang kaso mukhang lalong uminit ulo ko... paano ba naman ksama niya  yung Lykang yun.. 

Nasa labas na kami ng library ng biglang

*blaag* KFine.. Dumagdag pa to sa kabadtripan ko.. pano ba naman pinatid ako ng isang babaeng palaka..

 

" HAHAHA.. Bagay lang sayo yan.. FLIRT! " Palaka1

"  HAHAHA Look at her, bagay siya sa floor di ba ? kasi mukha siyang basahan Whaha.." Palaka2

Who the hell is she to call me basahan and Flirt? Ang kapal ng face eh mukha namang palaka..

Tumayo ako at tinignan sila ng masama..

 


" bakit Flirt? anong gagawin mo sa amin? HAHAHA.." Palaka 3

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now