Forty Nine.

4.2K 62 21
                                    

SORRY PO SA TYPO! sorry din po kung wala halos spacing inedit ko po sa phone :)

Psyche's POV

Kaharap ko ngayon si Ate at si Mama. Malaki ang nabawas na timbang sa mama ko, hindi na siya ganun kasopistikada kung tumindig, hindi narin siya masyadong nag-aayos ng sarili at halata mo sa mukha niya na may problema siya. Alam kong kaya nila ko kakausapin ay para pilitin ako sa bagay na ayaw kong gawin.

Nananadya ba talaga sila? Bakit ako pa? Nananadya talaga yang Daelan na yan eh? He's getting on my Nerves. Matapos sa ate ko balik na naman sa akin? Ano ko reserved? Substitute? Second option?

" Ayoko. " madiin kong sabi. Ayoko. Ayaw ko. Ayaw ko. Ilang beses ko ng sinabi sa kanila yun pero ilang ulit parin silang nag-pupumilit.

Syempre hindi nila maiintindihan. Buhay ko to, buhay ko lang naman yung masisira at hindi sa kanila.

" Nak, I'm sorry. Kailangan na kailangan lang talaga natin to." Sabi ni Mama na halos nangingilid na ang luha sa mga mata.

Aaminin ko, may sakit din akong nararamdaman pagnakikita ko siyang ganyan. Anak parin niya ko at Ina ko parin siya pero hindi ibig sabihin noon papayag na ko sa gusto nilang mangyari. After all those years na wala sila? Tssss. Tapos babalik sila para lang ipagawa ang mga bagay nato sa akin? I'm not the same girl na kilala nila. Ilang beses ko ba dapat ipakita sa kanila yun?

" Anak? Wow.. Nakakamiss din palang marinig yan galing sayo. Sana this time galing na yan sa puso mo." Sabi ko.

" Look, Gianne.. Alam ko malaki ang kasalanan ko sayo. Hindi kita pinahalagahan, binalewala lang kita pero sana maintindihan mong may dahilan ang lahat na yun. Masyado lang akong nasaktan sa mga nangyari sa nakaraan.. Sorry anak, I'm really sorry for pushing you away from us." Umiiyak na siya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko o hindi.

Hindi ko maintindihan kung ano yung nangyari noon, pero wala parin namang magbabago eh. Wala parin akong pakialam.

" Nothing to be sorry for Mrs. Dela Cruz. It's all been said and done. Lahat yun tapos na, di na maibabalik nun yung dati. Tsaka it doesn't change the fact na kaya niyo lang ginagawa sa akin to ngayon dahil kailangan niyo ng tulong ko. Di ba hindi niyo naman ako hahanapin kung hindi niyo ko kailangan?"

" That's not true Gianne. Pagkatapos mong umalis, sobra akong nagsisi noon. Inisip ko na baka kailangan mo ng space. Baka sumobra kami sa pagprepressure sayo, na baka hindi mo nakayanan yung ginagawa naming pagcocompare sayo at sa ate mo. I admit naging bias kami pero that doesn't mean na we don't want the best for you. Natuwa nga kami nong nalaman namin na nakakayanan mong tumayo sa sarili mong paa. Nagawa mong gumawa ng pangalan kahit hindi mo ginagamit ang pangalan at kompanya natin. " If I'm not in this situation, I should have laughed. Ang dating nakakatakot na leon ay parang naging maamong tupa. Dati lagi niyang dinedipensahan ang sarili niya, ngayon kung makapagsalita parang naging isang mabuting ina.

" Sorry for being harsh Mrs. Dela Cruz.. I don't believe in you. At kahit ano pang gawin niyo, hindi ako papayag. " Tumayo ako at iiwan na sana silang dalawa doon.

Hinawakan ni Mama yung isang braso ko para pigilan ako.

"Please Gianne, Kailangan ka namin, kailangan ka ng daddy mo. Please.. Alam ko mahirap to para sayo pero wala ng ibang paraan kung hindi ito na lang."

" Wala ng ibang paraan? May paraan pa pero pinipili niyo yung pinakamadali di ba? Yung wala kayong ibang gagawin kung hindi ang manood habang ako? naghihirap. I don't think that's fair, you don't know how much I'd suffer, and yet you want me to suffer even more? " Binawi ko yung braso ko sa kanya. " Ayokong magpakasal sa taong yun. Bakit hindi niya tanungin yung magaling niyong anak mas willing naman ata siya?"

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now