Chapter 2: Ang Bola Bow.

7.3K 98 7
                                    

PSYCHE.

" OMG, Sis, Look at my New Bag. Louis Vuitton yan. Pasalubong ni mommy galing France."

" How nice naman sis pero wala yan sa necklace ko , Ganda di ba? galing London yan."

Ang yayabang talaga! pera naman ng mga magulang nila yun pero kung makaasta kala mo sila naghirap dun. Wala ata akong narinig ngayong araw kung hindi ang pagpapataasan nila. Buti sana kung ikauunlad yan ng Pilipinas.

Nakapangalumbaba ako habang patuloy lang na nagoobserve sa paligid. feeling nila kinaganda nila yang mga mamahaling gamit nila. Tss mukha kayang retakada ang mga mukha nila. Tssss.

" Hoy, Miss nakabusangot ka na naman."

Paglingon ko, si sumbungero pala.

Binalik ko yung tingin ko sa harap. Hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa niya sakin. Dahil lang naman sa kanya medyo pinagiinitan ako ng prof namin.

" Snob ka pala no?"

Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Tutal hindi naman ako nagaral dito para makipagkaibigan eh.

" Snob nga."

*Dedma* Paninindigan ko ito.

Di naman ulit siya nakapagsalita kasi dumating na yung mga babaeng mukha nagkakandarapa sa kanya.. Gwapo din naman tong isang ito. Siya yung tipong hinahabol-habol ng chicks. Yun nga lang mukhang wala siyang magagawang mabuti sa panangin ko. Nakanang tuts kung makajudge kala mo perfect eh. hahaha

Dumating na yung prof namin na nagpalabas sakin. For sure terror to, mukang matandang dalaga eh. At grabe hanep syang magturo english. Nagmumura na yung ilong ko dito. Baka bahain ng dugo.

At dahil ang bilis niyang magsalita at hindi ko maintindihan yung sinasabi niya kasi bukod sa english fumifeeling slang pa siya, Ayun nakaramdam na ko ng antok.

Humahanap ako ng pwesto kung saan hindi ako masyadong kita. Nung ayos na. Biglaang bumagsak na ang talukap ng mata ko. Ops. Di ko sadyang tulugan ka prof. hihihi.

" ARAY."

Ayos na okay na eh. Unti na lang achieve ko na eh.

Kung hindi lang sanang may pumitik sa noo ko.

Lumingon sa akin yung Prof ko pati yung mga Classmates ko.

Nakakahiya. Yung iba nagising pa. Yung nga nerds naman parang nabanas kasi ginulo ko yung discussion

" Are you okay Miss Dela Cruz?" Tanong sakin nung Prof ko habang nakataas ang kilay at pinipigilan ang panggagalaiti.

" Yes Ma'am, I'm sorry." 

Tumingin ako sa epal kong katabi. BWISIT! 100% sure akong siya yung pumitik sakin.. Paano ba naman nagpipigil ng tawa.

Tinignan ko siya ng masama.

Tumingin siya sa ibang direksyon at sumipol.. 

Galing niya mambuysit, Sarap niyang tadyakan.

*KRRRRRRRRRRRIINNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGG*

ayun, dumating na ang pinakahihintay ko. BREAK NA! Tumayo ako kaagad at lumabas ng classroom. Baka makasagap pa kasi ko ng masamang hangin.

" Hoy! Isnabera," Sigaw nung seatmate kong kulang sa pansin.

Hindi ko siya pinansin. Malay niyo naman kasi hindi ako yung kausap niya pero kung ako man. Wala akong kebs.

" Psst Psyche!"  Napatigil ako kasi tinawag niya ko sa pangalan ko. Naks first time may tumawag sa pangalan ko sa school na ito. Infairness ha may nakakakilala din pala sakin pero mas okay kung hindi na lang siya.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now