Four. A dream or a nightmare?

5.6K 77 5
                                    

Psyche's POV

sinundo na ko ni maaang Tonyo. Pinilit kong itago yung mga mata ko sa kanya kasi baka mahalata niya ng namamaga kaya natulog na lang ako..

" Psyche.. Gising na," tinapik-tapik ako ng manong.. 

Nasa bahay na pala kami.

" Salamat mang tonyo.." kinuha ko na yung mga gamit ko.

Bakit nga pala ang ingay..? 

" Oo nga pala Psyche andyan yung mama't papa mo.." Tsss.. kaya naman pala eh.

nagtuluy-tuloy ako kahit napansin ko na sila, dedma lang..

Bakit ? Sila ba pinapansin ako,, PCh.. Iniwan nga lang nila ko dito eh..

" Gianne, anak.." napatigil ako nung tawagin ako ni Mama.

" oh, buti naman po kilala niyo pa ko.." sarkastikong sabi ko kay mama.

" Ano bang sinasabi mo Nak? syempre naman anak kita eh.. Tara nga dito .. namiss kita eh." Tinignan ko lang siya kaya siya na  lang yung nagkusang lumapit sakin.

" Tss Namiss? kalokohan.. Baka lang may kailangan dito." Pabulong kong sabi.

" Ano yun anak?" --Mama

" huh? wala po.. Ang sabi ko buti naisipan niyong umuwi.."

" Syempre naman, naalala ka namin eh." lumapit na din si papa

" Ako ba naalala niyo o yung negosyo niyo?" Natahimik sila sa tanong ko..

Kita niyo na?

" AH, Psyche, Ma'am, Sir.. Kain na po kayo.. Naghanda po ko ng masarap na hapunan.." binasag ni nanay Lourdes yung katahimikan..

" Naku manang, Kayo na lang po manang, may lakad po kasi kami ngayon." Baling ni mama kay Nanay Lourdes.

Nagpatuloy na ko sa pag-akyat,

" ah, OO nga pala Gianne, Kinakamusta ka ng ate mo.. di siya nakasama kasi maraming ginagawa sa school."--Papa

" Ayos naman po." sabi ko ng hindi man lang lumilingon.

Pumasok na kong kwarto. Nagpalit na ko ng pantulog kahit na masyado pang-maaga. Ayoko na kasing umalis ng kwarto, Ayoko ng kumain, Ayoko ng makipag-usap, Ayoko ng Gumalaw, Ayoko ng HUMINGA!

Hay! Nabubuang na ata ko! ARGHHHH!

Nakatulala lang ako.  Nakakapagod mag-isip, Nakaka-Praning,,,

*tok.tok.tok*

Ayoko ng tumayo kaya nagpanggap na lang ako tulog..

*pikit -mata*

Akala ko payapa na yung buhay ko pero dumating si Mama..

Dumilat na lang ako..

" Gianne, suotin mo to." Inilahad niya ang isang Tube cocktail Dress. Maganda, Kulay puti..

" Bakit po mama? Bukas na lang, pagod ako sa school,"

" Anak, Hindi pwede.. May party tayong pupuntahan ngayon."

Party? Wow Nice.. tamang-tama lang talaga para sa sakit na nararamdaman ko..

" Ayoko ma.." pag-mamatigas ko

" Sige na anak, Mahalaga tong party na to, para sayo.. Para sa amin."

" Tch? Para sakin?... Okay,. Fine, Magbibihis na po ako.."

sabi na eh , may kailangan lang sila sakin..

Kahit mabigat yung pakiramdam ko  nagpalit na ko ng damit.. Nagsuklay na lang ako ng buhok at sinuot yung sapatos na kasama nung damit.. 

 Nag-apply na din ako ng make-up..

Bumaba na ko ng sala, andun sila mama't papa, ako na lang yung hinihintay nila.

" Sa wakas natapos ka na rin, tara na.. , Malalate na tayo sa party."--Papa

--

Hindi ako umimik hanggang sa pagdating namin sa Venue..

Pinakilala ako nila mama sa kung sinu-sinong taong hindi ko naman kilala. Tch. puro sosyalan.. Nakakayamot..

"Ma, Cr lang ako." dahilan ko para makatakas sa kanila.

Habang naghahanap ako ng CR. may dalawang pamilyar na nilalang akong nakita...

Nilapitan ko sila, sabi na nga ba.. sila nga

"Aria? Pia?asan si Alex? At bakit andito kayo?"

" Si Alex ba kamo? HAHAHAHHAHAHAHA! sabi na nga ba di mo siya makikilala eh!" --Pia

"Huh? asan ba siya?"

" hoy Psy.. Eto ko oh!"

O.O

" OmyGOSH! Ikaw na ba yan Alex? Ang ganda mo!" sabi ko sabay akap sa kanya..

" Ano ba Psyche, wag mo kong akapin. Nasasakal ako."--alex

"Oo nga te, masira pa yung hair  niya. ang hirap kaya ayusin niyan."--Aria

" Okay, Okay.. buti Andito kayo, Nga pala bakit kayo andito.?"

" Kasi inimbitahan kami ng ma--" Aria

" Ah kasi inaya kami ng Tita ko, sabi isama ko daw yung mga friends ko. Hindi na kita nasabihan kasi bigla kang nawala kanina.." sabat ni Pia..

" Ah, ganun ba? Tara CR tayo." Aya ko sa kanila

inayos nila Pia at Aria yung buhok ko, mukha lang daw kasi kong mamalengke. Inayos din nila yung make-up ko, hulas na daw eh.. Talaga tong dalawang to, mabuti pa si Alex..

Paglabas namin ng CR..

"May we call ob Ms. Psyche Gianne Dela Cruz to come to the front. We have some special Announcement."

Ha? Ano daw? AKO DAW! malamang ako lang naman siguro ang PSYCHE GIANNE DELA CRUZ dito!

Tumingin ako sa likod.. Tch. wala na yung magagaling kong kaibigan.. Kaya pala inayusan ako ng toDo, kasabwat din pala sila..

Ayokong pumunta sa harap. Asa sila!

Magtatago na sana ko ng biglang may humatak sakin..

" Hoy, Ano ba? Bitawan niyo ko!" Hmp. nakakaasar talaga yung mga magulang ko.. Alam ko sila may pakana nito..

" Miss, Sumama ka na lang para walang gulo.."

" Pch.. OO na sasama na Bitawan niyo lang ako.." Binitawan nila ko

Okay , ayoko naman mag-eskandalo , sige no choice!

Takbooo....

 Okay!!Failed kasi may humarang sakin 

Kdot sasama na ko ! TT-TT

Pumunta na ko sa harapan. Lahat ng mata nakatingin sakin. Ngayon ko lang narealize na nakakahiya pala yung ginawa ko kanina.,

Lumapit sakin sila Mama at Papa.

Blah. Blah. Blah. kung anu-ano pa yung sinasabi..

" We all gathered here to witness a very special occasion, The engagement of our daughter, Psyche Gianne Dela Cruz and our future son-in-law... !@##$$%%^&(*)"

Ano? Engagement party ko!? At kanino daw? hindi ko naintindihan dahil nawindang ako sa announcement  ni mama..

Nagulat na lang ako sa tinapatan ng Spotlight..

O.O

"DAELAN!?"

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now