Twenty Two. Second Reason

4.8K 62 2
                                    

Pagmulat ng mga mata ko. Si nurse agad yung nakita ko..

Sinermunan niya ko, kung bakit daw kasi ko hindi kumain, kung bakit daw hindi ako nagpahinga na lang eh masama naman daw yung pakiramdam ko..

Malay ko ba, hindi ko napansin eh. Mas masakit kasi yung puso ko kesa sa ulo ko eh.

" PSYCHEEEEE!!!!!!!!" Narindi ako sigaw nila Alex

" Okay ka lang? Asan ang masakit?"--Aria..

" May Sugat ka ba? o di kaya nahihilo? Kumain ka ba na? "--Alex

" Ha? Hindi pa eh.."

" Nakuu Hindi pa? Kaya ka hinihimatay eh. ang hina-hina ng resistensya, tssh, dyan ka nga muna kuha lang akong pagkain.."--Lyka..

 .

" Oh eto? prutas yan kainin mo ng hindi ka lalampa-lampa." Pia

" Ito pa.. Baon ko yan.. "-- Alex.

By the look in their faces. Sobrang silang nagaalala.  Para silang mga nanay ko. Parang natataeng hindi matae. Pssh. Cute nakakatawa.

Hindi ko na napigilan yung tawa ko at tuluyan na ko na pahalakhak. Epic. Who would have thought ang mga paastig na kaibigan ko nagiging ganyan ka aligaga pag nag-aalala. 

" hoy Psycheee? Anong nangyare sayoo baklaaa? naalog na ba utak mo at nagkakaganyan ka? "--Aria.

" Psyche huuuy." inalog-alog ako ni Lyka, hawak niya yung magkabilang balikat ko..

" OA naman ni Lyka eh. Okay lang ako. Tsaka kayo, kayong lahat ang OOA niyo. HAHAHAHA! Okay lang ako buhay pa naman.. Chill Chill lang.HAHAHAHA! Mukha kayong mga ewaaaan" sagot ko sa kanila habang nagpipigil ng tawa.

Binatukan ako ni Pia. 

" ARay, makabatok. tanggal batok ko ha."

" Grabe ka. Nagalala kami sayo. anong buhay pa naman? kung makikita mo yung mukha mo kaninang nahimatay ka. parang naubos lahat ng dugo mo tapos ano ka ngayon ? tatawa-tawa. Baliw. sarap mong pektusan."-- Pia.

" Easy ka lang Pia. Ang hot kasi masyado eh.." --Alex

" OO! HOT AKO ! ALAM ko!" sigaw ni Pia. HAHAHAHA. Grabe din palang mag-alala to si Pia nuuuh? Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Usually kasi pacool lagi yan.

Nakatawa. sila nga talaga yung mga kabarkada ko. Gosssh. I super missss them.

" AT ikaw naman babae, Tatawa-tawa? tapos ngayon maluha-luha? Baleeeew kang engot ka."--Lyka.

" Grabe, Grabe kasi kayo.. HAHAHA *Hikbi* ang cu-cute niyo mag-alala. Akala ko kasi wala na kayong kiber sakin eh. " 

Million Reasons WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon