Forty Seven. Beg for her Love

4.6K 72 16
                                    

Daelan's POV

" Oh ano ka ngayon? PANEEEES! PANIS KA KAY PSYCHE!" Hindi ko alam kung sineseryoso ba niya yung mga sinasabi ko o biro lang sa kanya ang lahat.

" Ehe! Ay mali Gianne pala. Lokang yun pa-Gianne-Gianne pa. Sa bagay sosyal na siya ngayon." Napapukpok na lang ako sa noo ko. Bakit ba sinasabi ko sa kanya ang lahat ng to?

Ilang araw na yung nakakalipas matapos yung araw na yun. Pagpaulit-ulit kong naalala, paulit-ulit ko ding nararamdaman yung parehas na sakit.. 

Birthday ngayon ni Lyka at sa tancha ko malabong pumunta pa siya.

" Tssh Umalis ka na nga. Puntahan mo na yung mga bisita mo." Mahilig si Lyka sa sosyalan kaya magarbo tong party niya. Nakita kong nagsidatingan na yung mga kaibigan niya na kaibigan din ni Psyche. Sana man lang kahit dahil lang sa kanila pumunta siya. 

" Hinihintay mo siya no? " nagulat ako sa nagsalita. Si Lianne pala. Matagal-tagal na rin nung huli ko siyang nakita. 

" Ako din eh. Miss na miss ko na yung little sister ko. Di ko alam na magmamature pala siya ng ganyan kaganda. Mas maganda pa siya sa akin. haha." bahagya siyang tumuwa pero alam kong nasasaktan siya. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Malaki din ang tinulong niya sa akin pero bilang kapalit nun nagalit sa kanya yung taong mahal na mahal niya, at yun ay Si Psyche. Alam ko kung gaano niya kagusto makuha ang loob ng kapatid niya.

" Huwag kang tumawa, halatang plastic." sabi ko sa kanya

" Ang mean mo parin Daelan, Buti na lang di kita pinakasalan HHAHA." biro niya sabay hampas. Nakikita ko naman sa mga galaw niya na Hindi siya masaya. Nagbibiro siya pero hindi siya masaya. Pinepeke niya yung emosyon niya.

" Have you heard? Nandito daw sa party yung sikat na Fashion Designer. Kakarating niya nga lang eh. Grabe she looks so adorable. I hope we can get a long." napatingin ako dung sa babaeng nagsalita sa likod. Sigurado akong si Psyche yung tinutukoy niya.

" Iwan muna kita," paalam ko kay Lianne. 

Andito siya. Kailangan wala kong palampasing oras. Gusto ko siyang makita okay lang kahit masaktan ako ng sobra,

----

Psyche's POV.

Nagpapatawa talaga tong Daelan na to. Ugh. Sabihin ko palang ang pangalan niya naiirita na ko. Nagsasayang siya ng oras sa pantritrip sakin habang may namamagitan sa kanila ng ate ko. Kung Anong trip niya? Wala akong pakealam at ayokong sumakay.

Nadatnan ko sila ng ate ko na nag-- I can't find word na magfifit sa ginagawa nila. Maybe naglalandian.? Whatever.

Marami ng nagbago sa ate ko pero masasabi kong maganda parin siya. 

Kasama ko ngayon ang annoying na si Eros para maging... alalay? Hindi naman ako ganun kamean sa kanya, sinama ko siya kasi kailangan ko naman ng escort kahit papaano.

Pumunta ako dito para makita yung mga kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita at di nakakausap. 

" PSYCHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" kahit hindi ko narinig yung boses niya ng halos ilang taon alam ko na agad kung sino siya. Hindi ako lumingon, obvious namang hindi ako ang tinatawag.

Naramdaman ko na lang may tumapik sa balikat ko.

" BFF!"  Sabi na e, si Kyle. Isa pang naakairitang tao. 

" Namiss kita sobra." Hinarap ko siya at tinaasan lang ng dalawang kilay.

" Grabe. Psyche di ka na uhugin." Hinawakan niya ko sa balikat ko. 

I just sighed and rolled my eyes. 

Wala paring pagbabago kay Kyle. Isip bata parin siya. Tumanda na nga't lahat.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now