Fourteen. The New Girl

5.4K 53 7
                                    

" Aray!" Sigaw ko ng batukan ako ng pesteng si Aria..

Ayan tuloy nakatingin na sa amin yung librarian pati yung mga istudyante. Oo nasa library kami ngayon. Nag-aayos nitong mga maaalikabok na libro.. Tch.. Nahihilo ako feeling ko lalagnatin ako pagnakakakita ako ng ganito karaming bookshelves..HAHAHA pumupunta lang naman ako sa library para magpalamig eh at ni minsan di sumayad sa isip ko na mag-aaral dito HAHAHA.

As usual ginagawa namin to dahil sa letseng parusa sa amin..

" Bakit ba nambabatok ka?" reklamo ko sa kanya..

" Mukha ka kasing tanga eh, ngisi ka ng ngisi dyan.. Di mo ba alam kanina pa ko nagkwekwento dito te.."Aria

" Kaya nga tayo napapagalitan eh.. Ang ingay-ingay mo.. Reklamo ka ng reklamo kesho ganito kesho ganyan.. Wala ka ng ibang bukang-bibig kundi si Edrence.. Nagdududa na ko sayo Aria ha.." sabi ko with matching I-Smell-something-fishy look..

Kanina pa kasi ko naririndi sa kanya.. Andaldal reklamo ng reklamo, Badtrip na badtrip dun sa Edrence.. Sino si Edrence? Si Edrence lang naman yung Vice president ng SC na favorite siyang utusan.. HAHAHAHA kawawang bata.. Di siya makapagreklamo..

" Hoy. Psyche ha.. Kung ano man yang iniisip mo ! naku te. Maumay ka!Sa dami ng nagkakandarapa sa beauty ko , dun pa ko sa Edrence na yun magkakagusto? Like Ewww.. Walang manners"

" Oh bakit? Wala pa naman akong sinasabi ha... Di ka naman Defensive niyan Aria.. TSK TSK TSK.. Mukha ngang iba na yan *EVIL SMILE* >:D"

" Shut Up.. Ang malisyosa mo.. Hampasin kita nitong libro.."

" Hoy.. Hoy masakit yan ha.. Baka ikaw ang hampasin ko dyan at Ma-face mo itong book!"

" Ms. Scott at Ms. Dela Cruz.. Ang ingay ingay niyo.. Di niyo ba nakikita maraming nag-aaral and yet patuloy parin kayo sa pagdadaldalan.. Ambagal bagal niyo na ngang kumilos ganyan pa kayo.." Sabi nung matandang dalagang may makapal na salamin at may malapad na katawan na librarian ng eskwelahan ito..

" Sorry po Ma'am.." sabay naming sabi ni Aria..

" Last Warning ko na sa inyo yan.. Kundi ipapalipat ko kayo sa Cafeteria o kaya sa Gym para mas mahirap yang gagawin niyo.." Sabi niya sa amin .. Tch..

" Sarap Letsonin.. Hmp.. Siya kaya dito.. paupo-upo lang naman yan eh. If I Know may naka-ipit na pagkain sa bilbil niyan" Aria

" Sige bumulong ka pa dyan at ng sa susunod buong university ng linisin natin.."

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now