Letter

2.8K 38 13
                                    

 Daelan's POV

" Nay hindi parin po ba siya nagtetext? o tumatawag sayo? Kay Lianne kaya o kaya kay Tita?"

" Wala pa daw anak eh, hintay-hintay lang tayo. "

Tumango na lang ako. Hanggang ngayon umaasa parin ako na babalik siya, babalik siya sa Birthday ko kaso mukhang matatapos na ang araw wala parin siya. Hindi na nga ko nagpahanda kasi gusto ko si Psyche ang regalo sakin. Nag-aalala na tuloy ako, ayos kaya siya? kamusta na kaya siya? baka naman hindi na ko ang mahal niya?

Argggh. Nakakainis hindi ko mapigilang hindi magisip.

Hanggang alas-dose lang, 10:30 na. Malapit na matapos.

" Hindi ka pa ba matutulog anak?"

Nagset up ako ng dinner para sa aming dalawa. Pinagluto ko pa siya ng mga paborito niya, ayokong masayang lang lahat ng to. Kahit parang nauubusan na ko ng pag-asa alam kong at the back of my mind dadating siya, Dumating na sana siya.

11:30 na, isang oras na yung nakakalipas, 30 minutes na lang. 

" Pumasok ka na sa kwarto Daelan, ako ng bahalang magligpit dyan. " sabi ni Nanay Lourdes, chinecheck niya kasi ko from time to time. Siguro umaasa din si Nanay na ngayon babalik si Psyche.

" Malapit na siyang dumating nay, unti na lang." 

" Haaaay, naku talaga kayong mga bata kayo, Matulog ka na, baka hindi pa ngayon anak." 

kung hindi pa ngayon? Kelan? Di ko masasagot yun, walang makakasagot kung hindi siya lang.

Gusto kong pabagalin yung oras, ayoko munang tumapat sa alas dose yung kamay ng orasan habang wala pa siya. Gustong-gusto kong siya ang maging regalo ko pero Tanginis lang. Wala ata akong regalo ngayong birthday ko.

12 na. Tapos na ang birthday ko pero wala kahit anong bakas ni Psyche akong nakita. Nalulungkot ako, nadidisappoint kasi umasa ako pero hindi ibig-sabihin nun susuko ako, kahit ilang birthday ko pang dumaan maghihintay parin ako, kahit na parang naghihintay na ko sa wala.

Pumasok na lang ako sa kwarto at pinilit ang sarili kong makatulog. Sana kahit sa panaginip ko na lang siya makita. Okay na ko dun.

Hindi naman ako nabigo, nung gabing yun napaniginipan ko siya. Hindi nga lang masaya gaya ng inaasahan ko.

--

Siya lang ang nakikita ko sa panaginip ko. Yung mukha niya ang pinakamalinaw sa lahat. 

Ngumiti siya sa akin ng bahagya, ngiti na parang hindi siya masaya. 

Tapos sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero nilayo niya iyon sakin. 

Bakit? Umiiwas ba siya?

Yung mga mata niya, malungkot at parang unti na lang papaiyak na. 

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now