Thirty Four. The meaning behind 520

4.8K 73 17
                                    

 EXPECT TYPOGRAHICAL ERRORS. UGIIII. TINARY KO IEDIT PERO TINAMAD AKO. KUNG MERON PA SORRRRRRY!

Psyche's POV

Nakapagdesisyon na ko. Hindi ako babalik kasama si Jarren, pero hindi ibig sabihin nun magstastay ako dito kasama si Daelan. Ano ko Tanga? Oo, na tanga na pala ko noon pa, Ang ibig ko lang sabihin hindi na ako makikipaglaro sa larong alam kong ako lang ang magiging talo.

" Sorry Jarren." Bulong ko habang pinagmamasdan palabas ng gate yung kotse niya..

napaaga yung alis niya kasi sabi niya ano daw yung point ng pagstastay niya, yung sagot ko lang naman ang hinihintay niya. Since nabigay ko na yung sagot ko which is hindi, aalis na lang daw siya.

Gaya ng madalas na sinasabi ko, ayokong manggamit.. Nagawa ko na sa kanya yun.. masasaktan lang ulit siya.

Napagpasyahan namin nila Aria na magliwaliw muna, Out of town o out of the country para mamasyal.. kahit saan basta malayo dito.

" Oh? ano girl alam mo na ba kung saan?" tanong sa akin ni Aria

" Hindi pa, basta tara na.. ayos na ba yung mga gamit niyo?" 

" Oo naman, kami pa.. Basta sa mga ganyang lakaran mabilis kami diyan.." todo ngiti si Aria. tumango lang ako sa kanya.

Nagpaalam na din ako kay nanay kaninang umaga. Sabi ko susulitin namin yung bakasyon.. Pumayag naman siya, tinanong ko siya kung gusto niyang sumama tumanggi naman siya.

" Girl? Okay ka lang ba? Tara sakay ka na.." sumakay kami sa kotse ni Pia na si Aria ang nagmamaneho. Malayo kasi yung gate nung Hacienda sa mansyon eh.

" Ano bang nangyari? Tulaley ka na naman.. tsaka hindi ka pa kumakain ha? Late ka na ding nagising.. may nangyari bang hindi namin alam? "

" Wala naman.." matipid kong sagot habang nakatingin sa labas.

" Pero kagabi bigla kang nawala tapos ngayon lutang ka naman.. Yung totoo? Hindi ikaw si Psyche no?" pangungulit niya sa akin.

" Not now Aria, I'm not in the mood.."

tumahimik naman siya nararamdaman kong nagsaside glance siya.

Huminto na yung sasakyan..

Nakita kong magkausap sina Lyka at Daelan.

Ilang beses akong tinary na katukin ni Daelan.. nakakairita nga kasi halos buong gabi binulabog niya ko.. Manigas siya..Gusto niya pa atang mantrip.. Hindi niya ba magets na wala na ko sa mood makipaglaro sa kanya, hindi niya magets na naiinis ako pagnakikita siya.

Hindi ako kumain ng breakfast makaiwas lang sa mukha niya. Pagnakikita ko siya lalo ko lang siya gustong saktan.. Lalo ko lang gustong isumbat lahat ng sakit gawa ng Pangtritrip niya sakin.. Gusto ko bumalik lahat-lahat sa kanya..

" Di ka ba baba Psyche?" tanong sa akin ni Aria.

" Mamaya na pag wala ng asungot.."

nagets niya naman yung sinabi ko kayapinark niya yung sasakyan malayo kina Daelan at Lyka.

" Thank You.." mahina kong sabi..

" I see... olats na naman noh?" tanong niya ulit sakin..

" Oo eh.." naiiyak na naman ako..

 Lumapit sakin si Aria at inakap ako ng mahigpit..

" Malapit na kong maniwalang hindi talaga tayo yang hayup na yan eh.. ano patumba na ba natin?" 

" Sira.. pero kung may kakilala ka sige.. pakisabi pakuha nung puso niya.."

" Puso? Anong gagawin mo dun?"

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now