Three. Am I Stupid for liking you?

6.2K 86 8
                                    

Psyche's POV

 Nagising na lang ako na nasa Clinic na at may tatlong unggoy na nakatingin sa akin.

" sa wakas nagising ka rin.."-Pia

" Oh, ano? nahihilo ka pa rin ba?"-Alex

" Hindi na.. Salamat. Ah. Oo nga pala, Anong nangyarai sakin?" Tanong ko sa kanila

" Naku te! Excited na kong ikwento sayo!"-Aria.

" Huh? Bakit? ano meron?" Clueless na tanong ko sa kanila.

" Kasi ganito yun,  Nagchichikahan tayo, tapos bumababa ka para makita ng mas malapit si Fafa Daelan mo.. Tapos ayun tinamaan ka ng bola tapos.. tapos.. Naku! Nakakakilig!"-Aria

Binatukan ni Alex si Aria.

" Aray naman Alex. Bakit ba nambabatok ka.?"--Aria

"Ang Oa mo kasi, hindi na lang diretsohin" -alex

" Anoba kasi nanyari? napaka-cliff hanger niyo naman."

“binuhat ka lang naman ni Daelan” –Pia

“ Ah, binuhat lang pala ko ni Dae—DAELAN? Si Daelan? Binuhat AKO?.”

Totoo pala yun akala ko nanaginip lang ako nung Makita kong papalapit siya..

Yiiih! Kinikilig ako.. THANK YOU LORD..

-           

Daelan’s POV

Practice Game na naman,

Nakakatamad.. Mas masarap pang matulog eh.

Nagbihis na ko, nagpalit ng jersey.. Nakakawalang-gana

Nagsimula na yung game, as usual magaling pa rin ako kahit nga hindi ako magpractice kayang-kaya ko.

“ Hoy yung babae! Natamaan ng bola!” Sigaw nung isa ko teammate

Ang Engot naman nung babaeng yun di man lang umilag..

Naglakad ako palayo.. nakita kong papalapit na yung teammates ko dun sa babae..

Ang STUPID. Ayoko talaga sa mga babaeng ganun.

“ Hoy pare, tara tulungan natin yung babae.” Hatak sakin ni Chris

“ Sira-ulo ka talaga Chris, Si Daelan pa hinatak mo, eh alam mo namang—“

“ Oo na, sige na.. tutulungan ko na yang stupid na babaeng yan, wag niyo lang akong pagtsismisan.. Para kayong mga bakla eh.”

Naglakad na ko papalapit dun sa babae..

Sige na para matapos na tutulungan ko na siya..

What the! Siya na naman.. Medyo iwas ako sa babaeng to kasi may naaalala ko sa kanya pero dahil engot siya, eto na naman ako. Tutulungan siya..

Unconscious na siya nung lapitan ko.. PCh, No choice.. Binuhat ko siya..

Di lang pala Stupid.. Baboy pa, Ambigat.. Paano nangyaring ganito kabigat to samatalang ampayat-payat.

Dinala ko siya papuntang Clinic, ramdam kong pinag-uusapan kami ng bawat estudyanteng nakakakita samin, Wala na talaga silang magawa..

Nung makarating na kaming clinic pati yung nurse nagulat sakin..

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now