Bitchiest of them all.

3.4K 44 8
                                    

Makikipaglaro ka ba sa larong alam mong ikaw ang matatalo?

Kung akong tatanungin mo?

Oo.

Wala akong pakialam basta makasama ko siya kahit puro galit lang ang meron siya sa akin.

Psyche's POV

Mukhang di siya titigil sa pangbubuysit sakin.

"Good Morning."

" Paano magiging good ang morning kung mukha mo agad ang makikita ko. Tsss."

Hindi niya pinansin yung sinabi ko at akmang hahawakan ako. Agad kong iniwas yung braso ko.

" Kain na, masarap yang. Luto ko." ang lapad ng ngiti niya. Nakakasira ng araw.

" Tssss. Sa labas na lang ako kakain."  Iniwan ko siya doon mag-isa at nagpatuloy-tuloy sa paglabas.

----

Kahit ata nasa trabaho wala siyang ginawa kung hindi ang manira ng araw.

" Ma'am may Chocolates at flowers pong padala sa inyo." 

" Sinong nagpadala?"

" Asawa niyo ho."

" Balik mo, tapon mo, bahala ka na kung anong gusto mong gawin."

Ang plastic niya. Hindi siya yan, hindi niya gagawin ang mga bagay na yan. I hate him.

I really do.

Daelan's POV

Sunduin mo ko. 

Masaya na ko pagnakakareceive ako ng text na ganyan galing sa kanya. Halos magdadalawang buwan na pero di parin nagbabago yung pakikitungo niya sakin. Alam ko naman tong pinasok ko eh at wala akong pakialam kahit gaano pa ko katagal maghintay.

Nagmamadali akong kinuha ang susi ng kotse ko at umalis ng office. Pag-siya ang tumawag o magtext walang busy-busy sa'kin.

Kahit naman walang nakalagay na lugar, alam ko na naman kung saan siya susunduin eh. 

Nakarating na ko mga ilang minuto lang ang nakakalipas. Nagmadali agad akong pumasok sa loob ng Bar. Oo, sa bar. Pagkakasi nagtext siya ng ganun alam kong lasing siya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pagmaynambastos sa kanya. 

Hindi siya bagay sa lugar na to. Putcha, andami-dami pa namang mga gag* dito.

Agad ko din naman siyang nakita sa madalas ng inuupuan. 

Psyche's POV

Sunduin mo ko.

*send*

nagpasundo na ko sa kanya, masyado ng nagiging boring dito. Halos every after day nandito ako para magsunog ng baga at magpakalunod sa alak. Yun lang naman ang silbi ng asawa ko sakin eh, taga-sundo, tagahatid, at sa kanya ko binubunton lahat ng galit ko sa mundo na siya naman ang may dahilan kung bakit.

May mas papanget pa ba sa buhay na to? Everything's mess up. Feeling ko buhay ako pero wala akong buhay. Pasalamat nga yung magaling kong asawa, medyo mabait pa ko sa kanya eh.

"Napapadalas na ang paginom-inom mo ha?" lumingon ako sa direksyon ng narinig kong pamilyar na boses.

Nagliwanag yung mga mata ko nung makita siya ulit, halos ilang linggo niya din akong tiniis, ay hindi lang pala linggo, halos buwan na rin yun.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now