Twenty Seven. Moving On?

5.1K 60 2
                                    

Psyche's POV

Narinig ko na naman yung katok ni Nanay Lourdes sa kwarto ko... Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na..

Hindi ko binukas yung pinto..

Ayoko pang lumabas ng kwarto..

Ayoko ng kausap.

Gusto ko ako lang muna magisa...

Gaya ng ibang broken-hearted hindi ko na din mabilang kung ilang beses akong umiyak... Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto at tanungin ang sarili ko. Do I deserve to be loved? or dapat lang saakin ang masaktan ng ganito. Siguro nga sa sobrang tanga ko hindi ko deserve ang pagmamahal niya.

Nakarinig na naman ako ng katok sa pintuan.

Hindi ko to pinansin...

Nawala yung tunog...at biglang bumukas yung pinto..

" HOY ate GIANNE! magpapakamatay ka ba?" Sigaw sakin ni Matthew.

Hindi ko siya pinansin..

" GIANNE! HUUUY.." Lumapit siya sakin, hinawakan ang balikat ko at inalog-alog.

" Bakit?" Malumanay kong sagot sa kanya..

" BAKIT? ILANG ARAW KA NG NAKAKULONG DITO! TIGNAN MO NGA YANG MUKHA MO, YANG EYEBAGS MO? ANG PAYAT PAYAT MO NA. BWISIT LALO KANG PUMANGIT! " sigaw niya sa akin.

" Wala kang pakialam.." bulong ko.

"Look, Gianne .. I'm so sorry sa mga nasabi ko sayo nung nakaraan... Sorry kung insensitive ako."

Tinignan ko siya sa mga mata.. Ang pinsan kong panget, nag-aalala sakin? Hinipo ko yung noo niya..

" Wala ka namang lagnat? Ano bang nakain mo? " nginitian ko siya.

" ANO BA? ATE GIANNE! STOP ACTING LIKE THAT. PINSAN KITA AT BUKOD DUN IKAW LANG ANG NAG-IISANG KASAMA KO DITO SA PINAS.! CONCERN AKO SAYO."

" weeeh?" sabi ko sabay tawa.

tawa,,

tapos...

iyak...

iyak..

iyak.

iyak na naman..

sawang-sawa na kong umiyak.

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now