Forty One. Disrespectful Brat

4K 49 5
                                    

Short Update. Sorry sa Typo.

Thanks to my sister, siya nagedit ng chap na to, inayos niya yung mga kajejemunan ko. May paenglish-englsih pa yun. Okey. Andaldal ko lang HAHAHAHA. 

Psyche’s POV

Syempre kailangan ko paring gumising ng maaga at umattend ng letseng practice na yan kahit na sobrang bigat pa na ng nararamdaman ko.

“ Ma, pwede po bang wag muna ko magpractice ngayon?” pahabol ko ulit na tanong sa mama ko.

“ Sa makalawa na ang Birthday mo at hindi mo pa napeperfect yung sayaw mo sa cotillion. Ayaw ko namang mapahiya tayo sa mga business partners natin.”

Mapahiya TAYO? Matagal na naman akong kahihiyan sa kanila eh so why bother?

“ Kahit masama po ang pakiramdam ko?” Hoping ako na kahit katiting na concern meron siya. Na baka mas mahalaga yung anak niya kaysa sa mga kasosyo niya sa negosyo.

Lumapit siya sa akin at hinipo yung noo ko.

“ Wala ka namang lagnat ah. Kung nahihilo ka? Humingi ka na lang ng gamot kay Nanay Lourdes… Kung hindi ka naman natunawan o masama yung tyan mo, may gamot din dyan tsaka may CR naman don.. Hindi ka pwedeng hindi umattend mamaya.” sabi niya sa akin habang inaayos yung sarili niya at nakatingin sa salamin.

Sabi ko nga eh, mag-aayos na ko. Sino nga ba naman ako para manghingi ng unting concern sa kanila?

Dapat ang intindihin ko ngayon eh yung birthday Celebration ko.

 Kailangan perfect ang lahat.

 Kailangang maging perfect daughter kahit isang beses lang.

Lumabas na ko ng kwarto nila ng makasalubong ko si Ate.

Umiwas ako sa kanya at naglakad patungo sa kwarto ko.

“ Gianne..” tawag niya sa akin. Hindi na ko nag-abalang lumingon at pumasok na lang sa kwarto ko.

Naiisip ko habang nag-aayos ng sarili kung paano ko siya haharapin. Kung tatakbo na lang ba talaga ko o kung hahayaang ko na lang ba masira ng mga iniisip ko yung relasyong matagal kong pinangarap.

Tumakas na lang kaya ko? Iwan ko muna ang lahat sa ngayon?

kahit na sa makalawa na yung Birthday ko napagpasyahan kong pumunta naman somewhere. Kahit saan basta malayo sa lahat. Hindi ko parin kasi alam yung paano sila haharapin, kung magpapakaplastic ako o magpapaka-totoo...

Ang weird at ang emo ko lang pero wala eh. Gusto kong malinawan ang lahat pero at the same time natatakot din ako na baka masaktan ako nung mga bagay na malalaman ko.

Dumaan ako sa likod kasi nagaabang sa akin sa labas si Mang Tonyo at ang ate ko. Hindi na ko nag-almusal, bahala na kung saan man ako mapadpad. Maghyhysterical sila mama for sure kasi wala ako sa practice mamaya pero I doubt it kung mag-aalala sila. Alam ko mas iisipin nila yung mga sarili nilang kapakanan.

Pagkababa ko ng puno umakyat ako sa may bakod.

Kung saan man ako mapapad? Bahala na. Ngayon lang to, baka sakali kasing sa akin naman mag-alala si Daelan. Hanggang ngayon si Daelan padin? -____- Wala tayong magagawa. Mahal ko eh.

Naglakad ako ng mabilis palabas ng subdivision. Ngayon ko susukatin kung hanggang saan ako madadala nitong mga paa ko at kung hanggang saan ko kayang tiisin si Daelan.

Ilang text messages at missed calls na an narereceive ko, malamang akala nila Mama nalamon na ko ng inidoro..

Saan naman kayang lupalop ako ng mundo pupunta? 

Million Reasons WhyWhere stories live. Discover now